chapter 3

7.7K 122 5
                                    

"Mary Lindy Socorro..." pabulong nitong bigkas.

Teka, paano niya nalaman ang pangalan ko? Stalker? Ang gwapo namang stalker!

"17 years old, senior high, from Cebu City-"

" Wait kuya huh...masyado ka naman yatang updated sa biodata ko!" Kinikilabutan na ako sa mga pinagsasabi ng lalaking ito ah...masyado ng personal.

At bakit di parin siya lumalayo sakin? Masyado parin siyang malapit at parang iisang hangin na lang ang nilalanghap namin!

" Pinapaalam ko lang sayo na kilala ko ang lahat ng mga naglabas- pasok sa paaralang ito at... isang pagkakamali lang nila ay kayang- kaya ko silang pahirapan or paalisin," nakangiti nitong pahayag.

Mas nakakatakot siya pag ngumingiti siya ng ganito kasi mawawala ka sa focus dahil ang gwapo niya talaga!

" Wa-wala naman po akong
nagawang mali ah," So far isang beses pa lang akong nagcutting classes noh!

Kahapon lang at kasalanan din naman ng lalaking ito.

"Sa ngayon, wala pa pero malay natin...mayamaya lang ay magkamali ka na. Binabalaan lang kita Mary Lindy. Tandaan mo ang mukhang ito dahil ito ang batas ng LRU," matigas nitong saad sabay layo sa'kin.

Haay, air, salamat naman at makakahinga na ako.

Wala ako masyadong naintindihan sa pinagsasabi ni kuya dahi distracted ako sa bango ng hininga niya na tumatama sa mukha ko.

Pero basi sa talim ng tingin niya ay iisa lang ang konklusyon ko, si kuya ay capital T as in malaking trouble kaya gagawin kong misyon sa buhay estudyante ang pag-iwas sa kanya at sa mga katulad niya!

Kaya ko toh! Ako pah? Ba't naman kasi dito pa ako pinapaaral nina Mama at Papa!

Ang mahal-mahal ng tuition tapos ang layo sa amin at iyong mga estudyante ay puro maarte at mayayabang!

Katulad na lang nitong kaharap ko na parang adik na nakatingin lang sa mukha ko.

Ano ba talaga ang trip nitong isang ito, hinanap lang ba niya ako para ipaalam sakin na kilala niya ako?

Baka iniisip nito na ipagkalat ko iyong nasaksihan ko kahapon, eh hindi ko nga kilala ito eh.

" Leigh! Are you done? We have to go..." biglang sabi ng isang mukhang insik na lalaki na biglang sumilip sa pinto.

Nang mapatingin ito sakin ay pa-cute itong kumindat!

" Stop it Fretz! Lets go! " inis na bulyaw dito ni Kuya na Leigh pala ang pangalan...parang narinig ko na ang pangalan na'yon!

Padabog na lumapit si Leigh doon sa tinawag niyang Fretz pero bago ito tuluyang lumabas ng pinto ay matalim itong
tumingin sakin.

Anu na naman ba ang nagawa ko?

"Wag kang magpa-cute sa kahit na kanino dahil malilintikan ka sakin!" banta nito bago tuluyang umalis.

Anu daw?Ako ba talaga ang kausap ng lalaking iyon?
Oh Lord! Baliw na ang isang iyon!!

She's OrdinaryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora