Season 2 Chapter |O| >>#IStillLoveYou (PART TWO)

Start from the beginning
                                    

“Ha?” Anong pinagsasabi niya?

“Okay lang yan pre. Alam kong kayo ni Belle, pero hindi din kita masisi kung gusto mo si Gem. Magaling naman si aso sa kamat at isa pa we’re guys, we’re born to be idiots and we’re born for infidelity. I promise I won’t tell,”

 

Binato ko sa kanya ang pinakaunang nahawakan ko. Swerte siya at libro lang ang naibato ko.

“F-uck man. You’re crazy,”

 

“Gwapo lang, pre,”

Nagtawanan lang kami dahil kung ano-ano pang kagaguhan ang pinagsasabi niya.

“Alis na ako. Tama si Belle, dapat hindi na ako nagsasama pa sayo,”

 

“Ge, pre. Ganyanan! Magtago ka na lang palagi sa lingerie nang girlfriend mo. Tsk,”

 

“Hindi ba dapat ‘magtago ako sa saya’ at hindi sa lingerie?”

“F-cking nerd!” Bago niya pa ako batuhin nang librong ibinato ko sa kanya kanina, Naisara ko na ang pinto.

~~

“Hello? Jade si Kendrick ‘to,”

 

“I know, silly. O bakit ka napatawag?”

 

“Kasama mo ba si Belle?”

 

“Ah, hello? Bakit mo sa akin hinahanap ang girlfriend mo?”

 

“Just answer me,”

 

“Fine…fine! Sungit forever. Hindi ko siya kasama ngayon. Bakit ba?”

 

“Sige salamat na lang,”

 

“Hey, is everything alright?  Do you want me to call her phone?”

“Hindi siya sumasagot,”

 

“Chill Ken, baka nag shopping lang yan. You know Belle, once na nasa shopping mode yan wala nang iniisip pa,”

 

“Sana nga,”

 

Nagpaalam na ako at ibinaba ko na ang telepono. Tsk. Saan na naman ba yun?

Dadalhin ko dapat siya ngayon sa rest house namin sa Batangas para lang makabawi sa ilang araw na wala ako. Binigyan kasi ako ni dad nang internship sa kumpanya namin ngayong summer at hindi ko din mapalagpas kaya hindi ko siya naasikaso nitong mga nakaraang araw.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | To be SELF PUBLISH ON FEBRUARY 2025Where stories live. Discover now