Season 2 Chapter |O| >>#IStillLoveYou (PART TWO)

Start from the beginning
                                    

“Wh-what?”

 

Pinaglalaruan niya ba talaga ko?

“I said. I love you. I know…d-amn Belle, I can feel it in the kiss. You still love me. If you could just let me explain why I left, you will understand,”

 

“Ano pa ang iintindihin ko? Tapos na tayo Nico. Matagal na. You shouldn’t have come back, wala ka namang babalikan dito,”

 

“I can explain,”

 

“No!  You can’t! Umalis ka na!” Sa puntong ito nanghihina na ako. Gusto ko lang mapag-isa. Masyado pa akong shock sa nangyayari sa paligid ko. Hindi pa nag re-register sa utak ko na nandito sa harapan ko ang taong kinasusuklaman ko ng ilang taon at hinahalikan ako.

“Umalis ka na…”

Umambang siyang parang hahalikan niya ako ngunit hindi niya ito tinuloy. Narinig ko siyang nagbuntong hininga at ipinadausdos niya ang kamay niya sa buhok niya. Malungkot siyang tumingin sa akin.

“I will never give up Isabella, I will have you back.”

That’s the last thing he said before he left me.  Again.

Me? I just slumped on the floor feeling helpless as I cry myself to sleep.

~~

Kendrick’s POV

Ang tagal niya.

 

“Bro, ano na? Hindi pa din tumatawag?”

“Hindi pa,”

 

“Ang labo naman pala niyan pre, puntahan mo na lang kaya sa condo?”

 

“Mabuti pa nga. Kailan ka pa aalis?”

 

“Maya-maya pa, hindi pa sa akin tumatawag si aso.”

 

Tiningnan ko siya nang masama. Ayokong tinatawag niya si Gem nang aso, nakakabastos yun sa babae.

 

“Tsk. Tigilan mo na nga yang pagtawag mo kay Gem nang aso,”

“Yes mom,” sarkastiko niyang isinagot sa akin.  Tumayo siya at may kinuhang mga papeles sa may mesa.

“Seryoso pre, tigilan mo na yan. Ano bang ginawa ni Gem sayo at bakit ang init nang dugo mo sa kanya?”

“The bitch…”nang binigyan ko na naman siya nang masamang tingin, ngumisi lang ang loko sa akin. “Well, she…I mean, I just want to mess with her, bro. No reason.  Ang sarap kasing asarin.  Pero bakit mukha ka atang masyadong defensive sa aso na yun? Wag mong sabihin, kursunada mo yun?”

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | To be SELF PUBLISH ON FEBRUARY 2025Where stories live. Discover now