by LYNN ARM
Kanina pa akong naka-pikit
Pinipilit diwa'y maka-idlip
Ikaw lang maging sa panaginip
S'yang tanging gumugulo sa isip
Ilang oras na kong naka-tingin
Hay!napapa-bulalas sa hangin
Naghihintay lang iyong mapansin
Kahit sana isang sulyap man din
Bawat araw'y lalong sumi-sidhi
Masilayan kang kahit sandali
Ang 'yong ngiti't iping mapuputi
Labis saki'y nagpapa-kiliti
At taon man yata ang abutin
'Di ka pagsasawaang mahalin
Kahit wari'y para kang bituin
Na abot tanaw na lang at tingin
Kahit ano pa man ang danasin
Pangarap na lang maituturing
Wala na,sayo'y maipapalit
Kahit ano pang sikap kong gawin
Ngayon at habambuhay man giliw
Ikaw na,pangakong iibigin..
YOU ARE READING
My Strayed Poems (Tulang Ligaw)
PoetryIf you're wanting to have something to occupy your mind, fill your time and be entertained just by reading a simple poem, the writer is pleased to suggests her own collection "My Strayed Poems". The writer doesn't know where to put her writings thus...
