"Avisala Hara Pirena"bati ko rito at binigyan ito ng munting ngiti.

Nginitian niya ako ng pagkatamis. Tila ba'y bumilis ang tibok ng puso ko kasabay nang pagbagal ng ikot ng aking mundo.May kung anong pashnea na gumagalaw sa tiyan ko. Anong nangyayare?

"Ybrahim"

Ang pagbigkas niya ng ngalan ko ay tila ba isang papuri sa akin. Ang himig ng boses niya ay ang bago kong paboritong musika.

Pirena ano ang iyong ginagawa sa akin?

Tumigil ka Ybrahim hindi ito maaari.

"Ybrahim?"

Nagising ako sa reyalidad.

"Ano iyon?"tanong ni Rama

Tumawa ito na naiiling-iling

"Tinatanong ko kung tapos na kayong magensayo ng mga sanggre?"natatawa nitong tanong.

Tumingin ako sa mga sanggre at nakita silang tumatawa. Tinatawanan nila ako?

"Ahh Oo Mahal na Hara"sagot ko rito. Pinigilan ko ang sariling wag mautal habang sinasambit ito. Nakakahiya.

Natatawa itong tumango sa akin atsaka pinagtuunan na ng pansin ang dalawang sanggre.

~

"Ina maari po bang kayo muna ang mag laban ng Rama papanuorin muna namin kayo ni Lira. Nais na po muna naming magpahinga"ani Mira

Naupo silang dalawa ng aking anak sa isang upuan rito sa silid.

"Oo nga ashti. Nakakaloka. Nakakapagod. Kayo muna ni Itay ang maglaban diyan. Tingnan mo oh sobrang oily ko na"wika naman ni Lira habang pinapakita pa ang balat niya.

"Sa totoong laban masasabihan mo ba ang iyong kalaban na ihinto muna dahil pagod ka?"wika ng Hara sa mga Sanggre.

Napayuko ang mga ito. At akmang tatayo na sa pagkakaupo nila ngunit nagsalita ako "Pagpahingahin mo muna ang mga Sanggre, Hara"

Napatingin sila sa akin at nakita ko ang pagliliwanag ng mata ng mga Sanggre. Nginitian ko mga ito saka tumingin ulit sa Hara.

"Ano sa palagay mo Hara? Kaya mo ba akong talunin?"naka-ngisi kong tanong dito.

Nakita ko ang unti-unting pagbabago nito mula sa pagiging seryoso hanggang sa pagngisi nito ng nakakaloko.

"Madaliang laban"sagot nito na siyang ikinatawa ko.

Lalo siyang gumaganda kapag nakikipagkumpetensiya siya. Hayst.

Lumapit siya at pinaikot ang kanyang espada.  Nagsimula ang labanan namin nagpatuloy ang paghahampasan ng aming sandata nahawakan ko ang kamay niya hinila iyon hanggang sa mabitawan niya ang kanyang espada.

Nasipa niya ang kamay ko dahilan para mahulog ang aking sandata. Agad akong nakatikim ng suntok sa mukha mula sa Hara. Aatake na sana siyang muli ngunit nasalag ko ito at nahawakan ko siya sa may pulso at pinaikot siya. Ikinulong ko siya sa aking bisig nakasandal siya ngayon sa aking dib-dib. Mabilis ang tibok ng puso niya. Sa pagod na siguro.

"Sumusuko kana ba Pirena?" nakangisi kong tanong rito.

Tumawa ito ng hihingal-hingal.

"Mangarap ka ng tulog Ybrahim"tatawa-tawa pero alam kong galit na sagot nito na nagpangiti sa akin sa di ko malamang dahilan.

Tinadyakan nito ang paa ko at siniko ako sa may tiyan kaya naka wala ito. Inatake niya ako ng suntok at di ko na nasalag ang iba. Tinulak niya ko at pumaibabaw siya sa akin. Nakaupo siya sa tiyan ko. Ramdam ko ang bigat niya at ang init ng kanyang pangangatawan. Naka-posisyon itong akmang susuntok sa akin. Pawis na pawis ngunit tila mas gumanda siya.

Bumilis muli ang tibok ng puso ko ngunit alam kong di na iyon dahil ng pagod. Gaya ng kanina, tumigil ang aking mundo. Bumagal ang oras. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa kakaibang posisyon namin ngayon. Ibinaba na niya ang kanyang kamay at umalis na sa pagkakaibabaw sa akin.

Iniabot niya sa akin ang kamay niya upang tulungan akong makatayo. Nginisian ako nito. Nilimot niya ang kanyang espada atsaka naglakad paalis ng silid.

"Fudge! Itay talo kayo ni Ashti!"tatawa tawang wika ni Lira habang nakasabit sa kaliwang braso ko.

Nakita ko namang tumatawa sa kanyang pagkakaupo si Mira.

Halos nakalimutan ko na narito nga pala sa silid ang dalawang sanggre.

"Halina kayong dalawa."wika ko sa mga ito.

"Mukhang tapos na pageensayo."wika ko ng maalala ang pagaalis ni Pirena sa silid.

Napangiti ako. Napangiti ako? Ngiting totoo ng maluwag sa puso. Napangiti ako muli pagkatapos ng ilang taon ng dalamhati.

Paano mo nagagawa ito Pirena?

Naglakad na ako paalis ng silid kasama ang dalawang Sanggre sa aking gilid.






























































To be continued.





A TWISTED STORYWhere stories live. Discover now