ATS 3

597 34 11
                                    

Lira's POV

"Beshy nalimutan nating tanungin si Ashti. Curious na curious na ko. Sino kaya ang hinahangaan ng matapang na Hara ng Apoy?"

Kasalukuyang nasa silid namin kami ngayon. Dahil nga maagang natapos ang pagsasanay. Buti nalang para naman makapag-beauty rest kami no. Nakakalerki lalong pinaghigpitan ang training namin. Sa ganong paraan raw kasi ay di na kami masasaktan ng mga vedalje(kalaban).

Tumawa ng munti si Mira kaya napatingin ako rito..

"Hindi aamin ang aking Ina, Lira."tatawa-tawang sagot nito.

"Hah? Bakit naman?"takang tanong ko dito.

"Alam ko lang."wika nito.

Napakunot nalang ang noo ko habang pinakakatitigan ito. Tumingin rin ito sa akin habang nakangiti ng nakakaloko.

"Bakit?"tatawa-tawang tanong nito.

"Eh paano natin siya irereto sa engkantado kung di natin alam kung sino yung napupusuan niya? Dali na alamin na natin! Para magka-lovelife na yang Nanay mo."pamimilit ko muli rito.

Nagpakawala muli ito ng malakas na tawa.  Minsan talaga feel ko nababaliw na tong pinsan ko e. Anseryo-seryoso ko kaya tas tatawanan ako grrr. Napa-irap nalang ako dito.

"Ano ba talagang plano mo?"tatawa-tawa nitong tanong sa akin.

"Beshy. Kapag ka nagka-lovelife na si Ashti. Less time na ibibigay niya sa atin. Kapag konti nalang oras ni Ashti satin means konting oras nalang din ang pageensayo."paliwanag ko rito.

Tumingin to sa akin na tila ba'y naiisip.

"Ayaw mo ba nun? Win-win kaya. Makakapagpahinga tayo tapos malilibang yung Nanay mo. Puro na lang siya work eh. Hassle kaya."gatong ko pa rito.

Iiling-iling itong tumayo at naupo sa harap ng salamin.

Hay nako Mira.

~

Pirena's POV

Nasa bulwagan kami ngayon. Nagpatawag ng pagpupulong ang Hara. Sa di malamang dahilan ay naririto rin ang Hara Duryeng si Cassiopeia.

"Asan si Sanggre Alena?"takang tanong ni Nunong Imaw.

"Ang aking kapatid na si Alena ay nagtungong Adjantao. Sa di ko malamang dahilan."wika ni Danaya.

Tumango rito si Imaw. Baket pupunta si Alena sa Adjantao?

"Para saan ang pagpupulong Hara?"

Nilingon ko ang nagsalita. At di ako nagkamali. Si Ybrahim nga. Naglakad ito patungo sa amin. Nakatayo itong makisig ngayon habang seryosong nakatingin sa Hara ng mga Diwata.

Di ko maiwaglit sa Rama ang aking tingin. Tila may kung anong humihila sa aking diwa.  Naalala ko ang huli naming tagpo sa silid sanayan. Tila ba ramdam ko parin ang pag-balot ng kanyang mga bisig sa akin, ang init ng kanyang katawan mula sa aking likuran, ang pag-upo ko sa kanyang tiyan na nagparamdam sa akin ng kakaibang init. Minulat ko ang aking mata sa katotohanan.

Mag-hunos dili ka Pirena.

"Alam kong kayo ay nagtataka kung bakit kayo ipinatawag rito."panimulang wika ni Mata.

Sumangayon kami rito. Siya pala ang nagpatawag ng pag-pupulong. Ano kaya ang kailangan ng Hara Durye?

Tumingin ito sa akin. Atsaka tumingin sa iba pa.

A TWISTED STORYWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu