ATS 2

643 36 2
                                    

Mira's POV

Umaga na at paggising ko ay wala na ang aking Ina sa higaan. Hysst asan kaya siya?

"Dama?"sigaw ko at agad naman pumasok ang dalawang damang nakabantay sa may pinto...

"Avisala Sanggre Mira. Ano pong maipaglilingkod namin?"wika ng Dama.

"Alam mo ba kung saan nagtungo ang aking Ina?"tanong ko rito.

"Maaga pa nang umalis ang Hara mahal na Sanggre. Sa aking palagay ay nagpunta ito sa Hathoria."sabi ng Dama

Tumango ako dito at inutusan na umalis na.

Nagayos na ko para makapagensayo na.

~

"Ohh ano bessy naitanong mo na ba sa nanay mo kung umibig na siya?"tanong sa akin ni Lira

Andito kami ngayon sa silid ensayuhan at di parin kami nagsisimula dahil sabi ni Lira masyado padaw maaga. At tinatamad padaw siya. Siguradong lagot kami pag nalaman ni Ina na tatamad-tamad kami ngayon.

"Oo"sagot ko rito.

"Ehh anong sabi niya?"tanong niyang muli.

"Hindi pa daw eh. Pero naitanong ko din kung may hinangaan na siya."ani ko

"Ehh anong sabi?"sabik  na tanong niya.

"Oo daw."tila kinikilig kong sagot dito.

"Talaga?! seryoso?!"di makapaniwalang sagot niya.

Tumango ako dito ng tatawa-tawa..

"Sino naman ang engkantado na nacrushan ni Ashti?"tuwang-tuwa niyang tanong

"Ayaw sabihin eh."sabi ko

"Alamin nalang natin beshy! Alam ko na kung paano."sabi niya sakin suot ang isang nakakalokong ngiti.

"Paano?"tanong ko rito.

Ibunulong niya sa akin ang mga planong nais niya at ni isa ay wala akong nagustuhan dal alam ko mauuwi lahat sa kapahamakan. Hay Nako Lira . Napatawa na lamang ako sa mga kalokohan niya.

Dumating naman si Rama Ybrahim kaya natigil ang tawanan namin...

"Oh bakit hindi pa kayo nageensayo?"tanong nito sa amin.

"Ah Itay nag wawarm-up palang kami ni Mira eh"pagpapalusot ni Lira na sinangayunan ko naman.

"Ano ang iyong sinasabi?"takang tanong ng Rama.

"Ano... Warm-up... parang ehersisyo ganun"paliwanag nito...

"Ah ganun ba? Magsimula na kayong magensayo. Parating na ang Hara Pirena. Baka maabutan niya kayo."wika ng Rama..

"Dadating na si Ina?"tanong ko rito linilinaw kung tama ang narinig ko.

"Oo Mira"sagot niya.

Napatingin kami ni Lira sa isa't isa at napatawa saka nag-apir.

Sana nga lamang ay magkaroon kami ng pagkakataong makapagtanong.

~

Ybrahim's POV

"Lira itaas mo pa ang iyong sipa nang--.."

Di ko na naipagpatuloy ang aking winiwika nang bumukas ang pinto ng silid hudyat na may dumating.

Napatingin naman ako agad roon at bumungad sa akin si Hara Pirena suot ang kanyang baluti. Kitang-kita ang kurba ng katawan nito. Mahahalata mo rin na maayos na nasuklay ang mahaba niyang buhok. Tunay na napakaganda ng Hara. Maswerte ang engkantadong iibigin niya.

A TWISTED STORYWhere stories live. Discover now