"I heard you once, hindi na kailangan pa ulitin." Pagpuputol ni Ryoichi sa dapat na pagtatanong ni Dieve. Nakita ko ang pagtagis ng panga ni Dieve na para bang nagpipigil ng galit, napansin ko rin ang pagkuyom ng kamao niya. "Ano ba Ryoichi! Kanina pa kita tinatawag. Why do you have to be a jerk?" Inismaran siya ni Ryoichi at nagulat ako nang haklitin ni Ryoichi ang pulsuhan ko.

Narinig ko pa ang pagtawag ni Dieve sa pangalan ko at ang pagtawag ni Amari sa pangalan ni Ryoichi. "Ryoichi, ano ba! Bagalan mo lang ang paglalakad mo." Halos madapa na ako sa bilis ng paglalakad niya. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa pulsuhan ko. "Ryoichi, nasasaktan ako." Pinilit kong makawala sa pagkakahawak niya at padabog naman niya 'yong binitiwan.

"Ano ba problema mo?" Pinilit kong pakalmahin ang boses ko at maalis ang bahid ng pagkainis doon. "Tsaka hindi ka ba nahiya kay Dieve? Nakakabastos yung ginawa mo, kausap ka pero hindi mo man—"

"The fuck with that Reed! Ano ba pakielam ko sa bwiset na lalaking 'yon?"

"Eh bakit ba nanggagalaiti ka? Pati babae hindi mo pinalampas sa init ng ulo mo!" Hindi ko na napigilan ang inis ko kaya naman napaigtad si Ryoichi sa iniasta ko. Nagtitinginan na 'yung mga dumadaan na estudyante sa amin kaya nakaramdam ako ng hiya.

"Sorry.." Mahinang sagot niya. Napatingin naman ako sa kanya. "Ano ba kasi ang problema?" Tanong ko sa kanya. "Nothing. I found another one."

Napatingin ako sa kanya. "I found the one who have the Eye of Success." Paglinaw niya sa sinabi niya kanina. "Sino?" Tanong ko at tinignan siya. "Si Amari, alam ko namang alam mo na kung sino-sinasabi ko nakita mo na siguro ang pangalan niya." Tumango ako. 'Yong babaeng 'yon isa pa siya sa may hawak ng mga mata.

"Sino 'yong kasama mong lalaki?" Malamig ang boses na tanong niya. "Si Dieve, kababata ko." Tumango-tango naman siya. "I guess both Amari and him are new here."

"'Yun nga eh! Tas pinairal mo 'yang pagiging gago at nakakabuwisit mo," tinignan niya ako sa mata at itinuro ang sarili. "Ako? Nakakabuwisit at gago? Wow, Reed Tyler. Tanggap ko pa yung gago but the nakakabuwisit part— how about you?" Ngumisi siya. Naramdaman ko naman ang pag-akyat ng dugo sa ulo ko. Tinalikuran niya ako at naglakad palayo.

Umiinit ang ulo ko sa mga pinagsasabi niya. Parang nung nakaraang araw lang ibang-iba siya. Daig pa babae sa mood swings.

Padabog na napakamot na lamang ako sa ulo ko at doon ko lang naalala ang clip na nakakabit sa buhok ko. Tuluyan ko na 'yong tinanggal at hinayaang bumagsak sa mukha ko ang mga 'yon.

"Sarap tirisin ng lalaking 'yon." Nagulat ako nang makita ko si Amari na naka halukipkip sa tabi ko. Ngumisi siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "What's so special about you? Hindi ka naman ganon kagandahan." Inirapan niya ako at naglakad pasunod kay Ryoichi. "Ryoichi! Hintayin mo ko!"

Tinignan ko lang siya. Maganda nga siya masama naman pala ang ugali. Tumalikod ako pero nagulat ako nang mabangga ako sa dibdib ng isang estudyante. Narinig ko pa ang mahina niyang halakhak. "Wow. Never knew you grew clumsier than before, Reed." Napatingala ako kay Dieve at halos mamula ako sa sinabi niya.

"Pangalawang beses na 'yan, Reed." Natatawang wika niya. Halos itago ko naman ang pisngi ko sa sinasabi niya. Tumalikod ako at maglalakad na sana palayo pero narinig ko ang halakhak niya. "Yah! Halika nga rito!" Naramdaman ko ang malalaki'ng hakbang niya. Napatalon ako nang maramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko.

Laking pasalamat ko nang marinig ko ang warning bell kaya naman inaya ko na si Dieve na pumasok. Magkaiba ang klase namin kaya naman itinuro ko na lang ang daan papunta sa klase niya.

Nang makapasok ako mga mapang-asar na ngisi ni Janice ang bumungad sa akin. "Ano nanaman 'yan?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at nagkunwaring nagsusuklay ng buhok. Ipinilig ko ang ulo ko at umiling na lang. "Masyadong mahaba ang buhok mo masyadong masarap putulan," nagulat ako nang nakita ko si Amari na nakasandal sa desk ko.

"Hello, classmate." Nakangising sabi niya. "Amari Reign," inilahad niya ang kamay niya sa akin. Naramdaman ko ang mahahaba niyang kuko nang tanggapin ko ang kamay niya. Bumabaon iyon sa kamay ko. Nanatili ang mapanuya niyang ngisi. Pero tila ako binuhusan ng malamig na tubig nang hawakan ko 'yon.

Napabitaw ako sa kamay niya at bumakas ang pagkagulat sa mga mata niya. "You have the Eye of Death," bulong niya. Napaawang lamang ang labi ko sa nakita ko. Para bang hindi nagtutugma ang nakita ko'ng pagkamatay niya sa oras na nakatakda rito.

Parang biglang umikot ang mga paningin ko. Unti-unting nagdidilim ang paningin ko kaya napakapit na lamang ako sa desk ko.

Unti-unting nawawala sa pandinig ko ang paligid, para bang nabubulag ako at nabibingi. Nag-uumpisang bumigat ang pakiramdam ko.

"It started." Tanging ang boses ni Aether ang huling narinig ng isip ko bago pa man mawala ang aking ulirat.

Her Eyes #Wattys2018 WinnerWhere stories live. Discover now