Chapter 13 *flashback*

Magsimula sa umpisa
                                    

Pero dahil wala akong nagawa kanina kundi sundin siya, oorder ako ng madami ngayon! Mamulubi sana siya! tutal kanina naman inilagay ko at stake ang pagkalalaki ko. =__=

Maya-maya lang din, dumating na yung mga inorder namin. Kumain lang kami habang patuloy naman ng pag kukwento si Manager Rhian sa experience niya sa California ng bigla namang mapunta ang usapan kay Dionne.

“oo nga pala Dionne, gaano na kayo katagal ni Jake? Bagay na bagay kayo ha! itong batang to may ka live in partner na pala hindi manlang nagsasabi saakin!”

Halos maibuga ko yung kinakain ko dahil sa sinabi ni Manager Rhian saakin.

“anong ka live-in partner--?!?!”

 

“hindi siya ka live in partner ni Jake nii-chan!!” pag putol ni Rui sa sinasabi ko “personal assistant lang siya nito and alam ko grabe siyang pahirapan ni Jake nii-chan! Kaya naman Dionne” humarap si Rui kay Dionne at hinawakan niya ang kamay nito “onting tiis na lang at iaalis na kita sa puder niya. Magiging masaya ka sa piling ko promise!”

“h-ha? hehehe”

 

“ohh I see akala ko kasi si Jake at si Dionne eh! kayo pala ni Rui?”

 

“ah n-naku po hindi po” pagkakaila naman ni Dionne

 

“hindi pa Ms. Rhian pero malapit na! bridesmaid ka sa kasal namin ha?” sabi naman ni Rui.

Tsk! Hindi sila bagay ni Dionne! Mas bagay sila ng kapatid ko! =___=

“Ikaw naman Jake bakit wala ka pang girlfriend ha? tignan mo naunahan ka na ni Rui!”

“tsk! Di ako interesado!” =__=

 

“eh? d-diba kayo ni Venus?” sabi ni Dionne kaya naman bigla akong napatingin sa kanya ng masama.

Tokwa naman oh! Nakalimutan ko, pagkakaalam pala ni Dionne eh kami ni Venus! =___=

Nakita kong sumeryoso ang mukha ni Manager Rhian “Si Venus Fair? Kayo pala?”

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon