CHAPTER 5: Confession and Meet-up

Magsimula sa umpisa
                                    

                “Night!” tipid na sagot ni Jenny. Ka-text niya kasi si Papa Adrian niya habang nakahiga sa kama niya. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya kaya hindi na niya nasagot ang text ni Adrian.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*Krrriinnggg*

Break time.

Napagdesisyunan ni Jiro na kausapin si Adrian tungkol sa nakita niya kanina sa YG CLUB. Pumunta sila sa isang bahagi ng school na hindi masyadong pinupuntahan ng mga estudyante.

                “Adrian. Bakit ka ba nag-DDJ sa YG CLUB ha?”

                “Please, Jiro. Huwag mo sabihin kanila Mom at Dad.” Bungad ni Adrian kay Jiro with matching puppy eyes.

                “E, teka nga. Bakit ka nga ba andun ha?”

                “Ah, eh, gusto ko lang. Ang boring kasi sa bahay at sobrang higpit nila Mom at Dad sa akin. Hindi naman sa nagrerebelde ako. Syempre, gusto ko din naman gawin yun mga bagay na gusto ko katulad ng pag-DDJ.”

                “E, parang ganun na din yun. Nagrerebelde ka.”

                “Oo na. Kahit hindi naman. Hmp. Basta huwag na huwag mong sasabihin kay Mom at Dad na nag-DDJ ako ha. Kundi, lagot ka talaga sa akin.”

                “Sige, pero sa isang kondisyon.”

                “What?! May kondisyon pa. Tch.”

                “Ikaw bahala. Anytime pwede ko tawagan sila Tita at Tito.”

                “Huwag! O sige na. Ano bang kondisyon yan?”

                “Kilala mo ba si Yumi?”

                “Sino naman yun?”

                “Yun kaibigan ni Jenny. Un amazona na hinatak mo kahapon.”

                “Yun kasama ng amazona na yun?”

                “Oo. Gusto ko kasi siya. Pwede mo bang pakiusapan si Jenny na ilakad ako kay Yumi? Baka pwede ka din kumuha ng inside information tungkol kay Yumi.”

                “ANO?! AKO?! LALAPIT DUN SA AMAZONA NA YUN?! ASA!” sigaw ni Adrian.

                “Oo. Ikaw. Ano? Game ka ba? Kung hindi, tatawag na ako kanila Tita ngayon.” Nakangising sagot ni Jiro.

                “Anak ka talaga ng magulang mo! Sige na nga!” asar na asar na sagot ni Adrian habang si Jiro naman ay abot tenga ang ngiti sa mukha.

                “Nga pala, kelan mo nga pala balak mag-set up ng eyeball dyan sa ka-textmate mo? Mahigit isang buwan na din kayo magka-text pero hindi mo pa rin siya nakikita.”

                “Anong eyeball ang pinagsasasabi mo dyan?”

                “Pinsan naman. Hindi mo alam kung ano ang eyeball? Yun ang tawag sa pagkikita ng dalawang tao na magka-textmate.”

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon