"M-ma'am, he can't portray the role. He told me that he's not into theater plays. He hates acting so much—"

"I'll accept the role ma'am." biglang sagot ni Cloud at biglang nagbunyi ang buong klase dahil dun.

"If Mr. Montero will take place of Jace's role and Sarah will be on Aileen's role...I guess wala na tayong problema sa casting. That's final."

"Pero Ma'am..."

"We're running out of time Ms. Tuazon. Cloud Montero will be your leading man—PERIOD." full of authority na sagot ni Ma'am sa akin bago muling balingan ang buong klase, "Mag-practice na kayo ulit. Babalik ako mamaya to check you guys, may aayusin lang ako sa faculty." she added before she left us.

Pagkalabas na pagkalabas ni Ma'am Zalora ay agad kong nilapitan si Cloud para komprontahin, "Umamin ka nga, pinaglalaruan mo ba 'ko?" inis na tanong ko sa kanya.

"Of course not! I accepted the role because... because I want to try something new. Something more challenging and besides, it is an honor to be your leading man." he answered seriously kaya natigilan ako lalo na nung ngumiti siya.

"Leche!" nasabi ko na lang before I turned my back at nag-walk out.

Malapit na sana ako sa exit ng stadium when someone grabbed my arm at ng lingunin ko iyon, napairap na lang ako sa ere. Kailan ba ko titigilan ng taong 'to?

"You can't walk out." he said smirking.

"At bakit hindi?"

"May practice tayo diba? Hindi pwedeng mawala ang leading lady ko."

"Leading lady your face! Ayoko sayo!" pagmamatigas ko pero ayaw pa rin niyang bitiwan ang braso ko.

"Pero gusto kita." biglang sabi niya na nakapagpatigil sa akin. Feeling ko huminto ang ikot ng mundo ko, tumigil ang oras maging ang tibok ng puso ko, "I mean, gusto kita...maging laeding lady." he added kaya napapikit ako ng mariin saka ko inis na inalis yung pagkakahawak niya sa akin.

"Punyeta, paasa." I whispered, "Oh, anong nginingiti ngiti mo diyan? Tss." inis ko pang tanong sa kanya at bumalik na lang ako sa loob ng stadium kesa mag walk out. No choice din naman ako dahil final na ang casting sa play.

*******

"You guys need an eye contact please. Dapat makita sa mga mata niyo ang love—yung pagmamahal niyo sa isa't isa." Angelie reprimanded—our stage director at sobrang seryoso niya na para bang naiinis na siya sa amin.

"Is it really needed?" mataray kong tanong sa kanya kaya biglang umamo ang mukha niya at parang natakot sa pagtaas ko ng kilay. Aba, wag niya kong mautos-utusan.

"Y-yes Amethyst," she answered stuttering.

"Ginagamit mo na naman yang pagkamaldita mo Amethyst." bulong ni unggoy kaya inis ko siyang binalingan pero napalunok ako ng biglang magtama ang paningin namin knowing na ang lapit pala niya sa akin—as in sobrang lapit. I was startled ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan ito ng hindi inaalis ang tingin sa akin, "I...Love...You." he uttered seriously na siyang nakapagpabilis ng tibok ng puso ko. OMG, I think I'm gonna die. I need oxygen. Now.

"Cut! That was great! Ganyan yung sinasabi ko kanina hehe." putol ni Angelie sa momentum namin. Aish epal. Pero di ako kinilig ah, hindi talaga duh.

"Okay na yun? Pwede bang break muna?" I asked in crossed arms. I just need an air.

"Sure." sagot ni Stage director ng walang pag aalinlangan.

My Naughty Bratinella (Completed)Where stories live. Discover now