"Pwede ko na bang makuha yung script ko para mabasa ko na siya at ma-memorize so we can start the practice?" I said to Angelie—our assigned stage director.

"S-sige Amethyst." nauutal pa na sagot nito at mabilis na inabot sa akin yung script.

Di ko na narinig pang nagsalita sila Trish at busy na rin sila sa pagpa-practice nila ng mga lines nila para sa practice maya-maya. Ganun din ang ginagawa ko ngayon habang si unggoy ay nakaupo sa di kalayuan sa akin pero wala man sa kanya ang atensiyon ko ay kitang kita ko naman sa peripheral vision kong nakatitig siya sa akin. Lalo tuloy akong naiilang sa ginagawa niya.

"Wag mo siyang pansinin, Amethyst." I whispered to myself.

Maya-maya lang ay dumating na si Ms. Zalora. Buti naman at mag uumpisa na ang practice para ma-divert na yung atensiyon ng lahat dito at makalimutan na yung kagagahang ginawa ko kanina.

"Good afternoon class. I received a phone call a while ago from Jace's and Aileen's manager. The manager told me that the two of them won't be able to perform for their upcoming theater play because of their busy schedule. Unfortunately, we need to find a substitute to portray their roles at meron na 'kong nahanap for Aileen. Only Jace's role is the problem." she explained kaya lahat nalungkot including me pero don't get me wrong, para kay Jace lang ako nalungkot. Siyempre siya dapat yung leading man ko e. Sino na ngayon ang papalit sa kanya?

"Ma'am Zalora, may isa-suggest po ako sa pwedeng pumalit sa role ni Jace!" nakangising sabi ni Trish as she raised her hand.

Ugh. Not again.

"Then who is it Ms. Alcantara?"

"Si Cloud—"

"Ma'am I think Carl will portray Jace's role very well, right Carl?" pinilit kong ngitian siya para pumayag. Akala ko pa naman nadala na sila sa drama ko kanina, hindi pa pala.

Nalipat ang lahat ng atensiyon kay Carl lalo na ng tumayo ito, "To be honest, it is a previlege for me that the University's Queen Bee asked me to be his leading man," he said smiling kaya napangiti ako haays salamat naman, "but I'm sorry, I already have a role. Better to pick SOMEONE who got a small role in the play." he added smirking at nilingon pa saglit si unggoy ng diinan niya yung word na 'someone'. Damn this guy. Pinagkakaisahan na naman nila ako. As far as I know kasi, yung pinakamaliit na role ang kinuha ni Cloud dahil di naman daw niya hilig ang theater play kahit na ang request pa ng karamihan sa kanya ay maging rival ni Jace sa kwento.

"T-then I suggest Cullen Montero for the role!" pagpipilit ko wag lang talaga mapunta kay Cloud yung leading man role.

"Sorry pretty lady pero okay na 'ko sa pagiging Assistant Stage Director." Cullen uttered with a playful smile on his face. Napabuntung-hininga na lang ako habang tinatapunan ko sila ng masasamang tingin.

"If that's the case...I think Mr. Cloud Montero will fit in for the role. Mas may impact sa audience kung real sweethearts in real life ang gaganap sa leading casts." Trish suggested again.

"A-anong real sweethearts?! Where on earth did you get that idea Trish?" I asked annoyed pero nagkibit-balikat lang siya na parang inosente at nginitian lang ako ng nakaloloko.

"Tama! Tama!" the whole class agreed kaya lalong lumukot ang mukha ko. What the heck?!

"To be honest, Ms. Alcantara has a point. Actually, kinilig nga ako kanina sa confession mo Ms. Tuazon e." todo ngiting pag-sang ayon ni Ms. Zalora. Napailing na lang ako pero hindi ako susuko. Ang awkward nun para sa amin ni Cloud, hindi ba nila naisip yun? "So, Mr. Cloud Montero...are you willing to be Ms. Tuazon's leading man in the play?"

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon