CHAPTER 3: Amazona

Magsimula sa umpisa
                                    

Napaisip ako sa ginawa ko kanina. Ano ba, Adrian. Ang tanga-tanga mo naman. Pero, infairness, maganda si Ms. Chewing gum at sexy pa. Ay, teka. Ano ba tong pinag-iiisip ko. Hmp.

YES! Uwian na. Makakapagpahinga ako ng maaga nito. Bago pa man ako makalabas ng gate, sinalubong na ako ni Lian.

                “Adrian! What the hell was that?! Bakit hindi ako ang hinila mo kanina?!” sigaw kaagad ni Lian.

                “Babe, sorry. Akala ko kasi, ikaw yun nahila ko. Yun amazona pala yun nahila ko.” Sagot ko sa kanya. Teka, nasabi ko na ba sa inyo na girlfriend ko si Lian? Ngayon, alam nyo na. Hahaha! Pero fling lang naman to. Hindi seryoso. No hard feelings. Hindi kasi ako naniniwala sa love love na yan.

                “Talaga, babe? E bakit kanina, nilagpasan mo lang ako?” Hay. Mga babae nga naman. Ang daming tanong.

                “Babe, wag mo na isipin yun. Binalikan naman kita diba? Kaso nga lang, mali pala un nahatak ko. So, ok na tayo?”

                “Okay. “

                *3*

                *CHUP~*

Hinalikan nya ako sa cheeks. Hahaha! Ang dali nama utuin ni Lian. Sumakay na ako sa sasakyan at nagmaneho pauwi. Pagka-uwi ko, naalala kong i-text yun ka-textmate ko na si Jen. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-text.

To: Jen :D

Hi Jen! :) How’s your day?

Hindi ko alam kung bakit ko pa to tinetext pero ang gaan ng loob ko sa kanya. Nagtataka nga din si Jiro kung bakit ko pa pinagaaksayahan ng panahon si Jen. Sa kanya ako naglalabas ng mga problema at mga kung anu-ano kabaliwan. Game naman siyang nag-rereply sa mga tinetext ko. Isang buwan na din kaming magkatext ni Jen. Inaalala ko lang, baka mamaya, panget pala to at pinagtritripan lang ako. Huwag naman sana.

*Beep*

From: Jen :D

Eto, kapagod ang first day ng class. Ang daming nangyari ngayon araw na to. Ang dami kong nakasalubong na mga ipis sa daan. Kala nila, kaya nila ako? Pwes, nagkakamali sila.

Reply to: Jen :D

Ilang ipis naman ang nakasalubong mo, aber? Ano bang ginawa nila sayo? Sayang at wala ako dun para natulungan kita sa mga ipis na yun.

From: Jen :D

Awww. Ang sweet mo naman. Hay, wag mo na lang pansinin un mga ipis na yun. Hindi naman nila ako kaya. Ikaw? Musta ang araw mo?

Reply to: Jen :D

Ok na sana eh. Nagulo lang nun may sumingit na amazona. Hehe.

From: Jen :D

Amazona? May amazona dyan sa school nyo? Hahaha!

  Reply to: Jen :D

Oo. Meron eh. Pero hindi nama ako magagalaw nun. Subukan lang niya.

After 1 hour --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang tagal naman mag-reply ni Jen.  8:00 pm na pala. Kakain muna ako. Bumaba ako sa kitchen para maghanap ng makakain. Buti na lang at may natira pang chicken at rice kaya yun na lang ang kinain ko.

After 1 hour ulit ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ay, makatulog na nga. Mukhang tinulugan na ako ni Jen. Ampupu naman. Bukas ko na lang siya itetext ulit. Hehe. Tatakas pa ako papunta sa bar mamaya para mag-DJ.

1 AM:

Inaantok pa ako. Pero kailangan ko ng bumangon. 

As usual, ang daming tao sa YG Club kung saan ako nag-DDJ. Hindi alam ni Mom at Dad to. Kaya M-W-F lang ako nag-DDJ. Saglit lang din naman ako dito. After 2 hours, uuwi na din ako. May papalit sa akin para mag-DJ. Mahirap na. Baka mahuli ako nila Mom at Dad. Panigurado, papadala nila ako sa Italy para dun ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Buti na lang at medyo malapit ang bar na to sa subdivision namin. Nag-momotor lang ako papunta dito. Mahirap na din pag may dala kang sasakyan.

After 2 hours --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Grabe. Kakapagod mag-DJ. Dalawang oras din ako nakatayo.

*Beep*

From: Jiro Lee

I saw you sa YG Club. Nag-DDJ. Matagal mo na bang ginagawa to? Alam ba to nila tita at tito?

O_O – yan ang reaction ko. Argh. Walang nakakaalam na nag-DDJ ako. Kahit si Jiro. Ano nang gagawin ko? Argh. Mamaya ko na lang siya kakausapin. 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Thank you po sa lahat ng nagbasa. :)

Pasensya na po kung walang pic habang nag-ddj si Adrian. Nagloloko kasi yun photobucket ko. :(

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon