[Sayah Pov○]
Matagal nang naghari ang mga Vampir or Vampira sa mundo.
At ang mundo ay sa kanila.
Naging pagkain nila ang mga tao at naging alipin sila sa loob ng mahabang panahon.
Tangina ang astig noh? Haha
Ngayon, sa modernong panahon. Naninirahan ang mga tao at vampira ng payapa. Paano?
Nagkasundo lang naman ang pinuno ng mga rebeldeng tao at ang hari ng mga vampira.
Na hindi na papatay ang mga Vampir ng mga tao para sa kanilang pagkain. Kapalit ay magbibigay nalang sila ng mga alay kada isang taon. Madalas ibigay ang mga kriminal at ang mga gusto ng magpatigok. Volunteer tawag sa mga nagsusuicide sa panahon na to.
Sa ngayon, may batas na kapag pumatay ang vampira ng tao. Kamatayan sa vampira ang ipapataw.
Kaya nagkaroon ng kapayapaan. Yun ay kung talagang payapa.
Sa ngayon ang namumuno ay ang Royal Family na mula sa Russia. Ang namumuno ay ang pinaniniwalaan nilang Reincarnation ng dating hari na si King Xumo Rovninav
Siya raw ang pinaka malakas na vampira at kaya niyang kontrolin ang lahat.
Siya raw ang pinagmulan ng mga Vampir.
Ang astiiiig.
"Sayah!"
...
... .
"Sayah Alejandro!"
Sigaw ng Prof ko.
"Ay puke mong malalim!"
Napasigaw ako nang batuhin niya ako ng kanyang chalk.
Nagtawanan lahat.
"Miss Alejandro. Hindi ko kailangan ng studyanteng walang inatupag kundi managinip ng gising. Get out!"
Sigaw ni Mr. Sapsap
Napakasungit niya.
Nataranta ako at kinuha ang bag ko.
Lumabas ako agad gaya ng sinabi niya.
Last subject ko rin naman siya kaya umuwi nako.
Business management ang kinuha kong kurso. Kase may malalim akong dahilan. Dahil wala lang trip ko lang wala ako mapili e.
Naglakad nalang ako pauwi. Sayang pera pang kain narin to.
Habang naglalakad palabas ay may nakita akong babae na nakatingin lang sa labas ng school ko. Nakakapagtaka na puro itim lang ang suot niya. Galing ba siya sa burol?
Nakauwi na rin ako sa bahay.
Ako nga pala si Sayah Alejandro. 19 years old
Mag isa nalang dito sa bahay kasi nasa ibang bansa ang mga magulang ko. May sari - sariling pamilya narin sila roon. Pinapadalhan lang nila ako ng pera dito. Di ko rin kailangan ng kasama kaya ko naman mag isa.
Isasara ko na sana ang pinto ng bahay ko nang may babaeng lumitaw sa harap ko.
"GAGO ANG GANDA!" Bigla kong nasabi sa isip ko.
Di ko rin alam bakit ganon pero kasi ang ganda ng babae.
"OY IKAW YUN NAKITA KO KANINA!"
Sigaw ko sa kanya.
Bigla nalang siyang natumba at nawalan ng malay.
Agad ko naman siyang sinalo.
Ang lambot ng balat at ang bango niya sheeet!!!
"Miss miss? Uy wag ganyan di nakakatawa gising uy" sinubukan ko siyang gisingin pero wala deadgok na ata wala siyang pulso e.
Binuhat ko siya sa loob. Puta bigat ah.
Inihiga ko siya sa kama kong bulok. matandang kama ito pero kaya pa.
Dahan dahan ko siyang inihiga.
Napansin kong maputi siya masyado at malamig ang balat niya.
Sobra ganda niya.
Napano kaya to?
Luhhhhh baka sindikato to
Hihintayin ko nalang siyang magising.
Manunuod muna akong Game of Thrones.
[A/N]:
Camila Cabello as Sayah :)
YOU ARE READING
She's A Queen?
VampireSayah Alejandro a 19 year old typical girl who lives alone in a world where Humans and Vampires lives in peace and harmony. She meets Vladiriin Grando a green eyed vampire. Whom, she thought a Half Vampire. And the 7 knights of the Vampire kingdom...
