Metanoeʹo

49 8 15
                                    

Malakas ang pagbagsak ng ulan sa mababa at lumang bubong ng bahay. Rinig sa headseat ni Leticia ang bawat butil na patambol na tumatagaktak. Kahit na naka-full volume na ang musika ay pilit parin itong tinatabunan ng ingay ng ulan.

Bumalikwas siya sa higaan. Naghahanap ng komportableng pwesto. Pumihit siya pakanan. Umusog kaunti pakaliwa. Inilagay ang unan sa may gilid ng higaan at nagkasya na lamang sa pagtagilid. Ang mga paa ay nakapatong sa luma at bukbuking pader. Amoy pawis at laway ang unan at kumot niya. Subalit hindi niya ito inalintana. Ang mahalaga naipipikit niya ang kaniyang mga mata upang maibsan ang pagkahilo at sakit na dulot ng sirang ngipin.

Dinama niya ito ng kaniyang dila. Naramdaman ang maliit na siwang na umuuga sa twing ngumunguya o nagsasalita siya. Napalunok siya sa sakit. Kaunti na lang ay mapapatakbo na siya sa dentista. Ang problema nga lang, malayo ang klinika sa kanila. At isa pa, wala siyang pera. Iindahin niya na lamang ito. Sanay na siya. Halos nabubulok na nga ang isang ngipin niya noon bago pa naipatanggal. Mawawala rin naman di kalaunan ang sakit.

Naramdaman niya ang pagpasok ng ilaw sa madilim na kwarto. Nasisilaw ang kaniyang mga mata at mariin niya itong ipinikit. May isang gusgusin at payat na babae ang pumasok sa silid.

"Anak? Pwede ba munang makisuyo ako?" Ani nito sa mahina at garalgal na boses. Kagat nito ang labi at tila alinlangan pa sa hinihingi. Kunwari ay walang naririnig, pumihit siya patalikod sa ina at nagsimulang sumipol sa musikang pinapakinggan.

Wala akong naririnig. Hindi kita naririnig.

"Anak?" Muling subok ng ina. Pumasok ito ng bahagya sa madilim at maliit na kwarto at ipinatong ang maliit, kulubot at makalyong kamay nito sa braso ng dalaga.

"Ano?!" Pabalya siya tumayo sa higaan. Kunot na kunot ang noo bago pabalya rin tinanggal ang headset sa tainga. Nais niyang ipaalam sa ina na naiinis siya sa paulit-ulit nitong pang-iistorbo. "Ano na naman?!"

"Anak, makikisuyo lang naman ako e."

"O?" Ani niya sa walang kagatol-gatol na boses. Pakiramdam niya, pag galit siya ay may awtoridad siya sa loob ng pamamahay. Isa pa, may dahilan naman siya magalit. Yun ang sa tingin niya. Buti nga ay di niya inirereklamo ang sakit ng ngipin niya.

"Pwede bang ikaw ang sumulat nung kontrata na papipirmahan para sa lote natin?" Ngumiti ang matanda. Ang kulubot at payat nitong pisngi ay umakyat kasabay ng gilid ng labi nito. Subalit sa mga mata ay kita ang pagod at pagbabakasakali sa hinihinging pabor. Iniisip niya na baka di siya pagbigyan ng anak dahil naistorbo niya ito. "Ingles kasi anak e. Alam mo namang nahihirapan ako dun." Nagbigay ulit ng maliit na ngiti ang ina sa anak. Parang isang batang humihingi ng piso pambili ng kendi.

Walang ano-anoy tumayo si Leticia. Naiinis siya. Naiinis siya sa ina. Naiinis siya sa ngipin niyang nabubulok, sa bahay nilang gutay at sa buhay niyang sa tingin niya ay di niya dapat dinadanas. Inabot niya ang papel at bolpen.

"Ano bang ilalagay ko dito?" Matinis niyang pagtatanong. Nagsasalubong ang kilay na nakatitig sa inang halos kapantay na niya. Bako na ito subalit siya pa rin ang nag-aasikaso sa lahat ng gawaing-bahay. Kahit pagwawalis sa bakuran ay hindi pa nararanasan ng dalaga.

"Ah e, hindi ko rin alam anak e. Ano ba dapat?"

Pabagsak niyang ipinatong sa lamesa ang cellphone niya. Pinakabago at sikat iyon na modelo. Halos lahat ng mga kaklase niya sa eskwelahan ay may ganoon. Iyon kasi ang uso. Ang perang pambili dapat ng isang buwang gamot ng tatay niya ay napunta doon. Dapat lang. Nakakuha ata siya ng first honor sa eskwelahan. Sa dami ba naman ng medalya niya, dapat kahit isa'y may pambayad naman ang mga magulang niya.

MetanoeʹoWhere stories live. Discover now