ATS 1

987 37 1
                                    

Pirena's POV

Nasa palasyo ako upang daluhan ang piging para sa pagiging ganap na sanggre nina Lira at Mira...

Gabi na at mukhang malapit nadin namang matapos ang kasiyahan kaya napagpasyahan kong magpaalam na kay Danaya upang makabalik na sa Hathoria.

"Hara Danaya gumagabi na... maaari bang ako ay magtungo na muli sa Hathoria? Sa aking palagay ay dumating na ang mga bakal na aming nabili sa Sapiro... Kailangan ko lamang itong asikasuhin"nakangiti kong wika kay Danaya...

"Hindi mo na kailangang magapaalam apwe(Kapatid)... ngunit paano ang iyong anak? Tiyak na nais niyang makapiling ka ngayon..."sabi naman sakin ni Danaya na may pagaalala sa kaniyang mukha...

"Wag kang magalala apwe ngayon din ay magpapaalam ako sakanya... Sana nga lamang ay maintindihan niya.."sagot ko dito...

Tumango ito bilang pahintulot...

Agad akong nag-tungo kung saan naparoroon ang aking anak kasama ang kanyang pinsang si Lira...

"Anak"pag tawag ko sa pansin nito...

"HI! ASHTI!"nakakarinding bati naman sa akin ng aking Hadia(pamangkin)...

Hanggang ngayon ay di ko aprin maintindihan ang wika nito pero unti-unti ko na itong nakakasanayan... Ngunit minsan talaga ako'y naiirita sa tuwing ito ay magsasalita...

Nginitian ko ito atsaka itinuon muli ang pansin sa tumatawa kong anak...

"Ina!"masayang bati nito sa akin atsaka yumapos ng pagkahigpit...

Agad kaming kumalas sa yakap...

"Anak binabati kitang muli... kayo ni Lira... ikinararangal ko kayo"nakangiti kong wika sa mga ito.

Nakita ko naman ang paglaki ng ngiti ng dalawa na siyang nagpataba naman sa aking puso...

"Lilisan na muna ako at magtutungo sa Hathoria upang maayos ang mga dapat ayusin roon.."

Nakita ko ang unti-unting pagkawala ng ngiti sakanyang labi...

"Ina di ba pwedeng ipagpabukas mo na lang iyan? Nais kong makasama ka ngayon..."wika nito... mababakas sa mata niya ang pagsusumamo na siyang nagpaparupok sa aking puso.

"Oo nga ashti. Dito kana po muna magpalipas ng gabi. Para naman makabonding mo si Mira..."wika ni Lira...

"Bonding? Ano ang iyong winiwika?"takang tanong ko rito... sadyang nakakairita kapag ako'y kinakausap niya ng ganyan

"Ano kaba ashti bonding... yung... ano parang makasama ganun. Kwentuhan.."nakangiting wika naman ni Lira...

"Ngunit--.."

"Ina nagsusumamo ako sa inyo..."pagputol ni Mira sa sasabihin ko habang nakanguso sa akin...

Napa-buntong hininga nalamang ako sabay sabing "Sige na. Mananatili na ako rito."

"Yes!"sabay nilang sabi ni Lira..

Napailing-iling nalang ako habang tatawa-tawa sa dalwang ashtading nasa harap ko...

~

Pagkatapos nang piging ako'y dumiretso na aking dating silid upang makapagaphinga...

Nagayos ako at nagbihis ng pantulog atsaka nahiga na sa aking kama...

Akmang ipipikit kona ang aking mga mata nang biglang may nagsalita. "Ina pwede bang dito ako magpalipas ng gabi?"

Napabangon ako at napangiti...

A TWISTED STORYWhere stories live. Discover now