51. Hidden Feelings ©

Magsimula sa umpisa
                                    

Napangiti naman si Lea dahil sa narinig. Hindi nya akalain na maayos rin pala nyang napalaki si Mia. Kahit na mag-isa lamang sya.

Kinuha nito ang kanyang cellphone saka nag-online. This is her night routine. Mag-fe-facebook muna bago matulog.

At gaya ng madalas nyang gawin, tiningnan nya kung sino sino pa ba ang mga online ng ganitong oras.

"Madami ata akong online friends ah?" Bulong nya. I-ta-tap na sana nya ang group chat nila nina Vice ng mapukaw ng isang pangalan ang kanyang pansin.

Aga Muhlach •

"Online sya? Himala." Imbes na ituloy ang pagbati sa group chat ay pangalan ni Aga ang kanyang pinindot.

Hello

Chat nya kay Aga. Hindi pa man ito nakakareply ay chinat uli nya ito.

Can we talk? Tomorrow?

Is it okay?

Please...

Important.

Sunod sunod na sabi ni Lea. Ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa ring sagot. Ilang minuto na rin syang nakatingin sa chatbox at naghihintay kung magrereply ba o isi-seen lang ito ni Aga.

Aga Muhlach is typing...

Napangiti sya ng makita ito pero bigla rin napawi iyon.

seen ✔

"Ahhhh! Leche! Kung ayaw mo edi wag!" Maglolog-out na sya ng bigla na naman tumunog ang cellphone nito.

Okay.

Where?

Reply nito sa kanya na ikinatuwa naman ni Lea.

Village's basketball court. 9am.

Sarado kasi ang park bukas kaya dun na lang.

Reply nya at saka naglog-out ng hindi man lang hinintay ang sagot ni Aga.

***

Basketball court.

"Sorry I'm late." Sabi ng humihingal na si Aga.

"Anong bago don. Eh lagi ka naman talagang late." Ungot ng naiinis na si Lea dahil 9am ang usapan pero 10:35 na ito dumating.

"Ano bang sasabihin mong importante?" Suplado nitong tanong.

"Well, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Do you remember that night we had sex?" Tanong nito na ikinakunot naman ng noo ni Aga.

"What do you mean?" Nagtataka naman ding tanong nya. "Anong that night? Anong we had sex? Are you okay?"

"Leche nga! Sabi na nga ba hindi mo naaalala yun. Paano akala mo si Ayah yung kasama mo nun." Giit ni Lea sabay tingin sa malayo na nakabusangot ang mukha.

"Hahahaha!" tawa ni Aga ng malakas kaya napatingin sa kanya si Lea na nakakunot pa rin.

"Baliw." bulong nya

"Sorry."

"Tss. Sorry your face!" masungit na sagot nito. Lumapit naman sa kanya si Aga bago nagsalita.

"Kasi naman hindi ko naman talaga nakalimutan 'yon. Alam ko naman na ikaw yon hindi naman ako lasing that time." sagot ni Aga. Tiningnan naman sya ni Lea na parang walang emosyon. "Do you miss doing 'it' with me? Kaya mo ako pinapunta dito?" Biro nito kaya nakatanggap sya ng masuyong suntok sa braso.

"Gago ka! Hinahanap ka na ng anak mo." Sabi ni Lea. Kinakabahan sya kung anong magiging reaksyon ni Aga, akala nya kasi itatakwil nito si Mia pero ikinagulat nya na ngumiti pa ito sa kanya.

"Bakit kasi hindi mo ako pinakilala agad sa kanya? Hindi ko naman itatakwil." sabi ni Aga ngunit bago pa man din sya makasagot ay hinila na sya nito papunta sa bahay nilang mag-ina.

***

Pinuntahan muna ni Lea si Mia sa kwarto upang malaman kung gising ito saka nya pinasunod doon si Aga.

"Mommy thank you sa pagpapakilala mo kay daddy sa akin." Niyakap sya ni Mia. "And dad, thank you sa pagtanggap. Even though I am just a fruit of one night stand. Thank you po. Mahal na mahal po kita. Kayo ni mommy." Lumapit sya sa daddy nya at niyakap din ito.

"Mahal na mahal ko rin kayo ng mommy mo." Sa sinabing iyon ni Aga ay napakalas ng yakap ang anak nya at si Lea naman nanlaki ang mga mata sa gulat.

"Really dad? Mahal mo si mommy?" Tumango naman si Aga.

Si Lea naman ay ngumiti lang na wari sinasakyan ang trip ni Aga.

Nakipaglaro pa ito sa anak nya hanggang bago dumilim.

"Anlakas ng trip mo kanina ah? Mahal mo 'ko? Tsk! Buti nalang nasakyan ko." Pailing iling na sambit nito habang nagbubukas ng gate. Pauwi na kasi si Aga.

"Anong trip? Totoo 'yon. Mahal kita, kaya nga sinadya kong buntisin ka. Manhid ka lang. Di mo nahalata na pang front ko lang si Ayah." Sagot naman ni Aga.

Nabalot naman ng katahimikan ang dalawa hanggang sa isa sa kanila ang nagsalita.

"What if, what if hindi ako natorpe na ligawan ka? Edi sana dati pa tayo masaya?" Seryosong tanong ni Aga.

Nakatingin naman si Lea sa mga mata nito...

"Kung gaano kalakas ang loob kong umamin sa'yo na mahal kita ganun naman kahina ang loob mo. Pa-front-front ka pang nalalaman dyan." Lea

Hinawakan naman ni Aga ang kamay ni Lea na muli nitong ikinagulat. "Huli na ba para satin ng anak natin?"

"Huli na..." sagot nya.

"Ah. Ganon ba?" Huminga ito ng malalim at dahan-dahang binitawan ang kamay ng tapng pinakamamahal saka nagsimulang lumakad palayo.

"Huli na kung hanggang ngayon torpe ka pa rin!" Sigaw ni Lea na nagpabalik kay Aga.

Sinalubong naman sya ng yakap ni Lea habang umiiyak ito.

"Akala ko hindi na mangyayari 'to." Lea

"Akala ko rin." Aga

"Hoy mga malalandi!"

Napatingin sila bigla sa taong sumigaw. Hindi nila inaasahan na darating ito ng ganitong oras.

"Fuck you ka Vice! You're so wrong timing!" sigaw ni Lea. Saka nagpunas ng luha. Natawa naman si Aga sa kanya.

"Anuva? Yakapan na lang ba forevs? C'mon guys it's 2017. Yakap is just for friends na lang." itinaas pa nito ang dalang alak at saka nagsasayaw na akala mo'y nasa dancefloor. "Inuman na!!! Anuva nasa loob na ang barkada! Mamaya na toot toot!" Sigaw nito at saka pasayaw sayaw na pumasok sa bahay ni Lea.

Magkahawak kamay namang sumunod ang dalawa.


Everyone says Love hurts,
but that is not true. Loneliness hurts. Rejection hurts. Losing someone hurts. Envy hurts. Everyone gets these things confused with love, but in reality love is the only thing in this world that covers up the pain and makes you feel okay again.

© #HiddenFeelings

Wooh nakatapos din.

Antagal ko napabayaan wattpad ko. Hehe. Sorry naman po, mommy na po kasii. Pero kapag may time. Update lang si Ako.

One Shot List - LeAga-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon