8

1.9K 57 3
                                    

"Tulaley lang ang peg?"Napatingin ako kay Kelly.

"Hah?"

"Ayyy kanina pa ako dito salita ng salita ikaw tulaley ka dyan.Ano pinakain sayo ng kapatid ko at tulala ka dyan."Sambit niya.

"Wala."Simpleng sagot.Nandito kami ngayon sa May bench dahil nga break time namin.Kaya nandito kami.

"Wala daw.Kwento ka naman san kayo nagpunta nung Linggo?"tanong nya.

"Bakit ko naman kukwento sayo sino kaba?"pabiro kong sabi.

"Ay malamang friend mo ako.Wow ah ganyan kana.Ayaw mo pang sabihin kung san kayo nagpunta pero ayos lang kahit dimo sabihin malalaman ko din yan.Ayieehhh  umamin ka nga gusto mona ba si Kai?"

"Ano?h-hindi ah wala sa bokobularyo ko na magustuhan si kaizer noh.Tumigil ka na nga sa kakatanong mo Kelly ako'y hindi natutuwa."Ako.

"Naku eto namang si Lex oh ang init ng ulo eto shake oh tunaw na para naman lumamig ulo mo."Sambit nya at binigay yung Manggo shake ko.

uminom na ako ng shake ng may namatan akong paparating na nagpakulo sa dugo ko..Lintik bat pa sya lalapit dito.Ano pa bang kailangan nya.Nasaktan nya na ako at lahat hindi parin sya tumitigil.

"Babe.."Sambit niya at hinawakan ako sa braso.

"Ow No..."Biglang sabi ni Kelly.

wow ah makatawag ng babe parang kami pa.Kapal ng muka.

"Wow ah Babe? nag-iilusyon kaba ha sino tinatawag mong babe ako ba?kapal ng muka mong magpakita dito tapos tatawagin mo akong babe.Wala kana bang magagawa sa buhay mo at ngayon ginugulo mo ako."Galit kong sigaw.Kahit may tao sige sigaw parin.Gusto ko lamg ilabas ang galit ko sa lalaking ito.

"Babe naman Sorry na naman diba hindi ko ginusto yung nangy---"

"Babe mo muka mo.Gag* ka Anong hindi ginusto Pinahiya mo ako sa maraming tao tapos hindi ginusto kapal ng muka mo umalis kana nga sa harap ko.Baka kung ano pa ang magawa ko."

"Babe Sorr---"

"Sorrihin mo yang muka mo ano ba bitawan mo nga ako....Ano bitaw na ...
hindi kaba makaintindi o baka gusto mo pang inglesin kopa  para naman maintindihan mo."Bumitiw naman siya.

"Sor-------"Sorrihin nya muka nya ayokong tanggapin ang sorry nya.Bwisit sya ngayon pinagsisihan nya daw yung ginawa nya.Dapat noon pa nung gusto ko pang makipag ayos sa kanya pero ngayon hindi na.Gag* kasi nya.

Ring Ring 

Oras na ng klase na ulit.

"Kelly let's go."Aya ko kay kelly at umalis na doon at iniwan sya.

"Paanong?"Hindi makapaniwalang sabi ni Kelly.

"It's a long story kelly kaya mabuti pang hindi mona alam."Ako sabay pasok sa room.

Habang oras ng klase di kami nag uusap ni kelly.Alam nya sigurong hindi ako makakausap ng matino.Sila Clide at kiefer sinusubukan akong kausapin pero di ko sila pinapansin.Kaya tumigil din sila.Pero yung isa hindi tumitigil hanggat hindi sya pinapansin.

"Baby may problema kaba?"

"Tell me.Anong problema mo?"

"Baby.Ui Baby pansinin mo naman ako oh."

"Baby.Oi Baby ano ba! Hangin lang ba ako dito?at ayaw mo akong pansinin."

"Baby naman mababaliw ako kapag hindi mo ako kinausap.Baby ko."

"Ano bang problema mo ha?kanina kapa ang ingay mo.Pweede ba wag mo akong kausapin at wala ako sa mood makipag usap."Sigaw ko.Lahat ng kaklase ko napatingin sa akin buti nalang ay wala yung prof namin kaya hindi ako narinig.

"Walang nangyare bumalik na kayo sa ginagawa nyo."Biglang sigaw ni kaizer at yung mga kaklase namin ayun balik n ulit sa mga ginagawa Nila.

"Ok cgeh Baby.Hahayaan muna kita kapag gusto muna akong kausapin nandito lang ako.Tawagi mo lang ako lagi akong nasa tabi baby."Sya.

Hindi kona sya pinansin at tinuon ko nalang ang sarili ko sa pinapagawa sa amin ng prof.

Lumipas ang oras at uwian na din sa wakas.

Agad kong inayos ang gamit ko at nagmamadaling umalis.Nakita kopa sila kelly na lalapitan ako pero nagmadali na akong umalis at paglabas ko nadatnan ko doon si Zane.My Ex fucking boyfriend.Inirapanko lang sya ng makita nya ako.

"Alexa bab----"

"Shut up!Don't Call me babe."Sambit ko at iniwan sya doon.

At pumunta na sa may parking lot at sumakay sa kotse ko.

Gusto munang mapag isa gusto ko umuwi ng bahay.
Agad kong pinaandar yung kotse ko at nagdrive patungong bahay.

Pagkarating ko sa bahay ay deretso akong pumunta sa kwarto.Hindi ko na pinansin si nana at deretso na ako sa kwarto.Nagpalit lang ako nagdamit tapos higa na ako sa kama.

Ahhhhh  nakakainis na gusto kona syang kalimutan.Nakakainis naman kasi eh.Kung kelan nasa moving on stage na ako saka bumalik ang lintik na yun.Sana dinalang yn umuwi ng Canad----

Kring Kring Kring...

Inangat ko ang ulo ko dahil may may tumatawag.Sino naman yung tumatawag.Ayoko nga ng may kausap.

Tamad kong inabot ang phone ko dahil kanina pa ito ring ng ring.Pagkatingin ko tumambad ang pangalan ni Cassie.
Video Call ang tawag na ito.

Pinindot ko ang green botton.

"Hello Sis  I have a bad news for you."Sambit nya kagad.

"Yeah...Yeah..Kung ano man ang sasabihin mo tungkol sa pinsan mo alam kona nandito na sya."

"Fvck.Sis nagkita na kayo?ohh anong nangyari?may ginawa ba sya sayo?lagot sa akin ang lalaking iyon kung may ginaw----"

"Sis Calm down okey! wala syang ginawa  kaso lapit sya ng lapit sa akin.Ayoko na nga syang makita eh kaso ayun lapit ng lapit sa akin.Nakakinis na bat pa kasi sya umuwi dito eh.Dipa ba sya kuntento na saktan ako.Kaya pumunta sya dito para guluhin ulit ako *sob* ang sakit sakit na kasi *sob* eh alam mo yung gusto mona syang alisin sa puso't isip mo pero hindi mo sya maalis dahil dumating nanaman sya para guluhin ka.*sob*"

"Sis stop crying okey.Ayan nga ang dahilan ko kung bakit ako pumunta dito para pigilan syang pumunta dyan.Sorry sis ngayon ko lang sinabi sayo."

"It's ok Sis naiintindihan kita."

"Stop crying na Sis papangit ka nyan.Baka hindi kana magustuhan ni Kaizer.Hahahaha."

"Hahaha  tumigil ka nga ayokong paasahin yung tao.Maybe friends lang muna.Ayoko ng masaktan ulit Sis."

"Uhhmm  ok cgeh Sis ikaw ang bahala basta nandito lang ako sayo kahit nasa malayo ako.Hindi pa ako makakauwi dyan dahil inaasikaso ko rin yung isang company namin dito eh kaya ingat ka nalang dyan ikamusta mo nalang ako sa kanila aha.. Bye Sis Smile ka muna bago mag endcall gusto ko masaya ikaw Smile na dali.Ohh ayan ang ganda ganda mo Sis kapag nakasmile ka parehas tayong maganda.Kung saan ka masaya doon ako .Twag ka lang kapag may problema.Pag may time ako taswag sayo.Bye na Sis Tinatawag na ako ni Dad lab you."

"Lab you too Sis ingat ka din dyan.Ikaw talaga ang Reliver ko.Sis bye."Ay iend call kona.

Si Cassie talaga lagi ang nakakapagpawala ng lungkot ko.Sa tagal na naming magkaibigan parang magkapatid na ang turingan namin.Kapag may problema ang isa problema na din ang isa at sabay naming susolusyonan yun.Kung saan masaya ang isa doon din ang isa.

Ayaw na ayaw ni Cassie na nasasaktan ako.Kaya lahat gagawin nya para lang sumaya ako.At ganun din sya kaya natutuwa ako dahil may matalik akong kaibigan ang tinuturing na kapatid na laging nandyan lagi para sa akin.

At ngayon kelangan kong harapin ang problema ko at ayusin ito dahil gusto ko ng bumalik sa ayos ang lahat.

------------------------------

Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon