"Salamat!" sabi naman ni Dylan.


"Langya, hindi ko alam kung dapat ko bang gawin kayong ninong ng anak ko. Baka kung ano ang ituro niyo roon." naiiling na sabi ni Jeremie.



"Ang kapal naman ng mukha mo, ginawa kitang ninong sa kambal ko, tapos ako hindi mo gagawing ninong sa anak mo? Yupiin ko kaya iyang ano mo para last shoot mo na iyan kay Colyn?"


"Eh kung tapak-tapakan ko din kaya iyang ano mo at last mo na sina kambal?" ganti ni Jeremiah kay Dylan.


"Hoy mga gurang! Umayos nga kayo." awat ni Vin sakanila.


"Palibhasa, walang partner!" sabay na sambit nina Dylan at Jeremiah at nag-apir pa ang mga ito.

Naiiling nalang si Marco sa mga palitan ng salita ng mga kaibigan niya. Bahala sila sa buhay nila.


"Oy, sino iyan ha?" sabay dungaw ni Mico sa cellphone niya.

Itinulak naman niya ang pagmumukha nito palayo sa phone niya. "None of your business."


"Sino si Adie? Tangna Vin! Napag-iiwanan na tayo!" sigaw ni Mico.

"Adie?" kunot-noong sabi ni Jeremie. "Sounds familiar."


"Adie? Iyong secretary mo?!" Hindi makapaniwalang sambit ni Vin.


"She's not anymore." Sagot niya.

"Ah. Kaya siguro pamilyar." Komento ni Jeremie.

"Kinakalantari mo o seryosohan iyan?" usisa naman ni Dylan.


"Alam niyo 'yang mga utak niyo ang dudumi na. Kalalaking tao niyo, ang tsi-tsismoso ninyo!" natatawang sambit niya tsaka tumayo na.


"Saan ka pupunta?" tanong naman ni Vin.


"Work. Bye morons!" kaway niya sa mga ito.


"Oh, saan pupunta si Marco?" rinig niyang tanong ni Mitch sa mga lalaki.


"KAY ADIE!!" sabay-sabay na sambit ng mga ito na ikinailing nalang niya. Damn his idiot friends.

----

"Hello?" sagot ni Adie sa phone niya.

"Dito na ako sa labas. Lika na." sagot ni Marco sa kabilang linya.

"Sige, hintay lang..ila-lock ko lang itong unit." sabi niya.

Mabilis kumilos si Adie at kinuha ang bag niya at dali-daling chineck kung nai-lock niya bang mabuti ang unit niya. Nang masigurong okay na ito ay bumaba na siya para puntahan si Marco.


Pagkababa niya ay naabutan niya itong nakikipag-usap sa guard roon. Kilala na nga ito halos lahat ng guards sa building na tinitirhan niya dahil sa madalas nitong pagsundo sakanya.

Oo, kinikilig siya.

"Let's go?" aya nito sakanya.

Nakangiting tumango siya rito. Nagpaalam na ito sa kausap bago kinuha ang paper bag na dala niya at iginaya sa kotse nito. Pinatunog ni Marck ang alarm ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto.

"Thank you." sambit niya. Nginitian lang siya nito at maingat na sinara ang pinto sa side niya pagkapasok niya at tsaka lang umikot sa driver's seat. Kahit sa pag-ikot ay hindi niya maialis ang titig niya rito.


'God, Adie! Get a hold of yourself!' saway niya sa sarili.


"So, saan tayo pupunta?" tanong sakanya ni Marco habang minamaneubra ang sasakyan nito.


"Sa Picnic's Grove tayo." sagot niya. Agad naman itong tumango at tinungo na ang sinabi niya.

Nagkita sila ngayon ni Marco dahil gagawin na niya ang ipinangako niya rito - ang tulungan itong makabuo ng isang kantang walang bahid ng hinanakit at nakaraan nito.

She wants him to write of what he feels. Not just his hatred towards whoever that person is, but to what his heart and mind says inspite of all what he's been through.

Gusto niyang makita ang isang Marco na nakangiti palagi, ang Marco'ng hindi kinakatakutan, ang Marco'ng carefree, ang Marco'ng ..

"Nasa unit ka lang ba maghapon?" biglaang tanong nito sakanya na ikinabaling ng atensyon niya rito.


Tumango siya bilang sagot. "Nagprepare ako ng snacks natin mamaya."


"I see. Buti nalang kaunti lang ang kinain ko kanina kela Colyn." sabi nito.

Kumunot naman ang noo niya. May kasama pala itong babae kanina.. at mukhang sa bahay pa ng babae ito galing. Bigla tuloy siyang nanlumo. Sinasabi na nga ba niya eh, assuming something will do you no good.

"Adie?" pukaw sakanya ni Marco nang hindi siya umimik.

"Hmm?" sagot niya rito. Sa totoo lang, ayaw niya itong tignan. Baka makita pa nito na she's on the verge of crying.


"May problema ba?" tanong nito sakanya. Ramdam niya ang concern sa boses nito. Pero sabi nga niya kanina, assuming something will do you no good.


Umiling siya rito bilang sagot. Inabot nito ang baba niya at tinapik iyon gamit ang forefinger nito. Narinig niya itong tumawa.


"Para kang si Colyn. Ang hirap ispelengin."

'Colyn,nanaman.' himutok niya sa isip niya.

"Pero at least iyon buntis sa unang anak nila ng asawa niya, eh ikaw? Hindi ka naman siguro buntis,ano?" baling nito sakanya saglit.


Nanlaki ang mga mata niya at agad na bumaling kay Marco na diretso ang tingin sa daan pero kitang-kita niya ang ngisi nito.

"Hindi ako buntis,ano!" depensa niya sa sarili na ikinatawa lang nito.

Pero sa totoo lang, masaya siya! Akala niya, bigo na agad siya eh hindi pa naman siya nagsisimula. Haaay! Thank God sa pagbubuntis ni Colyn!

-----

FOLLOW ME @kendeyss (Twitter/Instagram/Ask.fm)

A Love to Report [Fin]Where stories live. Discover now