Bestfriend's Story #9 "Unforgettable friend"

415 0 0
                                    

Si "Melvin" siya ang dati kong kaibigan na masayahin, ma-trip at palabiro. Di s'ya gaano kagwapuhan ngunit di naman 'yun pamantayan kapag mahal mo isang tao, Di ba? Tuwing uwian ay kinukuha nya ang bag ko at sumasabay saakin, makwento sya yung tipong 'di ka mababagot sa paglalakad at kahit na iba ang daan papunta sa kanila ay madalas n'ya pa rin ako ihatid. Baka daw kasi mapahamak ako. Madalas rin na pagkamalan siya nina Papa, at tumatawa nalang ito kapag ganun, naging tropa rin sya ni kuya na ibang klasi rin ang trip. Dumaan ang araw at di ko namalayan na nahuhulog na ako sakanya, Christmas party noon, nung ayain nya ako na isayaw, di sya makapagsalita ng maayos at dahil doon ay pinagtawanan sya, inabot nya ang kanyang kaliwang kamay at pumayag naman ako. Habang nasa sayaw kami ay iba ang nararamdaman ko, tila sya ang pinakagwapo sa gabing iyun. May sasabihin ka ba? Tanong ko nung napansin ko na parang balisa sya. Hoy!. Huminga siya ng malalim at, Di naman mahalaga kaya wag nalang. So may sasabihan ka nga, Ano yun? Wala! At ngumiti siya na nakakaloko. Meron pala, I just wanted to tell na mag-iingat ka at Merry Christmas. Merry Christmas din, sana matupad ang mga wish mo. Sana nga. At parang nalungkot sya. Pagkatapos nung gabi yun ay 'di na kami nagkita, isang Linggo rin syang absent nung pasukan na hanggang umabot ito ng dalawang linggo. Bali-balita rin na nag-drop na sya kaya pinuntahan ko siya sakanila, ngunit ibang sya ang dinatnan ko, payat na payat at maraming mga aparato ang naka konekta sakanya. Halos umiyak ako nung sinabi ng magulang nito na yun nalang ang bumubuhay rito. Lumapit ako sa higaan nya, Oy melvin gising naman, diba ang wish mo ay maging tayo, heto ako mahal na mahal rin kita, gumalaw ang kamay nito at dama ko na pinipilit nya magsalita, napaiyak na ako noon at niyakap ko sya. Alam ko na matagal na nung nawala sya ngunit di ko talaga makakalimutan ang unang nag sabi at nagpadama na ako'y minamahal.

Bestfriend's StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon