100

1.1K 45 41
                                    


Tuesday Afternoon pagkatapos ng exams nila...

GWAPOGI GC

Active Now

Jisung: Huta bat ba ganyan muka ni Seonho?

Daehwi: Oo nga, ano problema nyan?

Daniel: pati si samuel bat ganyan muka nyan?

Haknyeon: baka nastress sa exam?

Justin: Si seonho lagi namang stressed sa exam yan e. Si Samuel ang di ko alam?

Jihoon: Anong problema nung dalawa?

Daehwi: Yun nga yung kanina pang tinatanong diba?


"Seonho anong problema?" Hindi na natiis ni Sungwoon kaya lumapit na sya.

Nakayuko lang si Seonho.

"Samuel ano ba?! Ano bang meron sa inyong dalawa?" Tanong pa ni Sungwoon.

Kumpleto ang members ng Avengers ngayon sa org room nila.

Wala paring sumasagot.

"Wala ba talaga kayong balak sabihin--"

Napatingin ang lahat kay Seonho, nang hindi nya na napigilan ang mga luha na kanina nya pa pinipigil lumabas.

"Seonho! What's your problem?" Guanlin

"Ano bang nangyayari?" Hyungseob

"Pwede bang sabihin nyo na kung anong nangyayari sa inyong dalawa?!!!!!" Sungwoon

Tumayo si Seonho at tumingin kay Jihoon...

"Jihoon!"

"Seonho stop--"

"Sorry, Samuel hyung... Hindi ko na kaya tiisin! Ano bang nagawa sa inyo ni Rhyme?! Mahal na mahal ka naman nung tao diba?? Bakit ba kailangang itago mo sya ng ganun? Bakit kailangan masaktan sya ng ganun? Ano bang nagawa nya?! Bakit kailangang sya yung mag adjust?? Bakit kailangang sya pa yung nasasaktan? Jihoon hyung, kung hindi mo alam... Nakipagkita ang mommy mo kay Rhyme, alam mo ba kung anong ginawa at sinabi nya?"

Tahimik lang ang lahat at nakatingin kay Seonho

"500,000 pesos para lumayo sya sayo... Pero hindi nya tinanggap yun... Matagal nang nagtitiis sa sakit ng nararamdaman si Rhyme, pero may narinig ka ba sa kanya? Wala naman na sigurong mali kung bibitaw na sya sa pagkakakapit nya sayo ngayon diba?"

"May kailangan kang malaman, Jihoon.."

Si Seri.

"Nung gabi na tinawagan ka ni Rhyme para sunduin ako nung Saturday, tinawagan ko sya nun... sinabi kong lumayo na sya satin... Hindi ko naman--"

"JIHOON!"

Isang malakas na sampal ang natanggap nya mula kay Jihoon.

"LUMAYO SATIN?? SERI WALANG TAYO!!! AT KAHIT KAILAN HINDI MAGIGING TAYO!!!"

"Wala akong balak sabihin, pero malamang palipad na papuntang LA ngayon si Rhyme..."

Napahinto si Jihoon at Napaupo nalang sa narinig..

"Papuntang LA? Nagbibiro ka ba Samuel?" Natatawang tanong ni Jihoon, pero bakas sa boses nito ang lungkot kasabay ng luha na walang tigil sa pag agos.

Hugot | Park Jihoon ✔ [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon