Chapter 2

23 1 2
                                    


Edward's POV:

     Naalimpungatan si Edward sa kalabog ng pinto ng kanyang kwarto.
    
 Bog!!!bog!!!bog!!!.

Edward!! Edward!!!hanggang kelan kang matutulog?
tanghali na ah!!!  nasanay ka ng ganyan ang buhay mo!!!
ang ama nitong pasigaw na nanenermon

Kung alam ko lng na ganito ako kaaga gigisingin dito sa pamamahay na to sana di na ako umuwi ng pilipinas!! ang nagmamaktol na sabi nito sa sarili.
    
Flashback...
   Ohio United state of America

"Congratulation!! hijo Edward"

Ang lolo nitong medyo naluluha pang bati sakanya..

"Ngayong tapos kana sa kolehiyo masayang masaya ako para sayo apo, kasi pinag bigyan mo ang huling habilin ng iyong lola,ang makita ka naming tapos na sa pag aaral"..

Niyakap nito ang kanyang pinakamamahal na lolo.. 

"Lo makita ko kayong masaya ay masaya narin ako"

"Kaya nga apo pasalamat ako at pinagbutihan mo na ang pag aaral mo. Nakailang kurso kanarin ah!"
Ang natatawa nitong lolo

"Oo nga lo eh di ko akalain na makapagtapos ako ng engineering ngayong taon kasi balak ko uli sanang mag shift sa marine eh"..

"Apo lahat na ng kurso nasubukan mo na ata" pero ang marines na yan ang ayaw ko sigurado pati ang lola mo pag nabubuhay lang yun ayaw din na yan ang kukunin mong kurso"

"Kaya nga lo di ko na tinuloy ang balak ko kasi ayaw kong malayo sa inyo" Kayo nalang ang natitira sakin"

Biglang napatingin ang kanyang lolo sakanya.

"Apo andyan pa ang iyong ama.hinihintay ka lng na umuwi ng pilipinas"

"Lo di ako uuwi ng pilipinas para makasama ang aking ama. Alam ko hindi rin nya gustong makasama ako.sana kung gusto nya noon pa kinuha nya na ako ..pero hindi eh kaya wala syang pakialam sa akin kung ano ang nangyayari sa buhay ko"

"apo hindi ka namin pinalaking ganyan para kamuhian mo ang iyong ama"

"hindi nga lo pero yun ang pinaramdam sakin ng taong iyon"

"apo mahal ka ng iyong ama ramdam namin yun".

"Lo kalimutan mo na yang taong yan.. halika kakain tayo ngayon sa pinakamasarap na restuarant na alam mo"

 Nakangiting anyaya nito sa kanyang lolo na naka upo sa wheelchair. 
Matanda na ito at nasa edad otsenta na.isang world war11 veteran ang kanyang lolo at isa sya sa mga pinadala sa hawaii para makipaglaban. Doon narin ito nakapag asawa at ito ay ang kanyang lola Betina isang half pilipino at american.Fil am ika nga.

Isang nurse sa Orphanage ang kanyang lola Betina. Halos sampung taon nang nasasama noon ang kanyang lolo at lola pero hindi sila nabiyayaan ng ana,kaya nag desisyon silang umampon ng bata sa Orphanage at yun ang kanyang ina na si Dolly..ang kanyang ina na kahit minsan hindi nya matandaang nayakap nya o nahagkan sapagkat namatay na ito ng syay isilang,nagkaron ito ng hypertensive disorder. Dinamndam ito ng husto ng kanyang ama ang agarang pagkawala ng kanyang ina. kayat umuwi ito ng pilipinas at iniwan sya sa pangangalaga ng kanyang mga lolo at lola. ramdam din ni edward na mabigat ang loob nito sakanya.

Iniling iling ni Edward ang ulo para kalimutan ang mga nakaraan sapagkat nagbibigay ito na poot at galit sa kanyang ama kung patuloy nyang alalahanin ang mga nakalipas na mga taon.

Tinungo nito ang  banyo at nagsimulang maligo.

Mahal Kita Noon Alaala Ka Nalang NgayonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora