Ken's POV
Nagising ang diwa ko nang makaramdam ako ng lamig. Hindi lang basta lamig. Sobrang lamig. Tag-niyebe na ba?
Teka. Nasa Pilipinas ka Kean. Paanong magkakaniyebe jan? Tss.
Kinapa ko sa side table yung cellphone ko para tignan ang oras.
5:00 AM
Alas singko na?!?!
Agad akong napabalikwas sa kama at dere-deretsong naglakad papunta sa CR.
6:30 AM kasi ang simula ng flag ceremony. At BAWAL MALATE. Kapag nalate ka, maglilinis ka lang naman ng gym. Kaya nag mala-Flash na ako sa bilis maligo at magbihis. Di ko na kailangan mag-ayos masyado, gwapo na naman ako eh. Effortlessly 😎
Maniwala man kayo o hindi, kahit hindi ako magsuklay ng buhok o maglagay ng pabango ay kinikilig ang mga babaeng nakakasalubong ko.
Di ko naman sila masisisi. Hahaha.
Masyado na bang mahangin?
Kasalanan ko bang pinanganak akong gwapo? :(
Pero syempre hindi ako mayabang. Hindi ko ipinagsisigawan na gwapo ako. Nalalaman ko lang ang mga bagay na ipinagsasasabi ko kanina sa mga taong nakapaligid sakin. Sa mga babaeng nagbubulungan pero rinig ko naman.
Hindi rin ako mahilig magpaiyak ng babae. Oo, sabi nila hearttrob daw ako. Pero hindi ako malapit sa babae. Sabi nga nila suplado raw ako. Psh. Eh close ba kami?
"Kean! Hindi ka pa ba aalis? Kanina ka pa kumakain jan ah? Alas sais na." Sabi ng Mame.
"Opo. Magtotoothbrush lang po ako." Sagot ko.
Dali-dali na akong pumunta sa CR para magtoothbrush.
"Bye mame." Sabi ko sa kanya sabay kiss sa cheeks.
"Bye. Ingat ha." Paalala nya.
"Opo." Sabi ko.
Lumabas na ako ng bahay at naglakad na palabas ng subdivision. Tapos sumakay ako ng tricycle papuntang school.
6:15 AM
Sa wakas ay nakarating na ako sa school.
Malapit na ang flag ceremony, kaya ang mga estudyante ay naglalabasan na ng classroom. Ang hirap tuloy makadaan. Pinagtitinginan pa ako. Aish.
*
"Kean, you did good on our recitation today. Keep it up." Sabi ng teacher namin sa Math.
"Thank you Sir." Sabi ko.
"Okay class dismiss." Sabi ng teacher.
"Iba ka talaga kuya! Gwapo na, matalino pa!" Sabi ni Julian.
"How to be you po koya? Hahahaha" Pang-aasar ni Bryan.
"Tumigil nga kayo. Ingay." Sabi ko.
"Aish. Sungit mo talaga." Sabi ni Bryan.
ESTÁS LEYENDO
❣️ It Started With A Tweet ❣️
Novela JuvenilThis is a story that started unexpectedly. If he didn't leave his phone on the table, I wouldn't have read the tweet. I wouldn't be curious enough to start this conversation. I wouldn't be so curious enough to fall for her.
