Chapter Three

310 7 1
                                    

“Okay na ako dito manong. Thank you po.”  Sabi ko kay manong Carding, matagal na naming siyang driver. Hindi pa yata ako buhay eh nandito na siya. Pumasok ako sa main office ng RBC, ang papasukan kong school, para kunin ang schedule ko.

“Excuse me ma’am, saan po makukuha ang mga schedule?” Tanong ko sa middle-aged woman sa Registrar office. “Diretso ka dun hija. Then right, makikita mo dun ang Information office.” Tinuro niya ang direksyon kung saan ko makukuha ang sched ko. Tumango ako’t nagpasalamat.

Ngayon, naghahanap naman ako ng classroom ko. Sa laki ng building naming, baka mawala ako dito. Ang dami pang classrooms! Naku! Saan ako nito ngayon? Kung meron lang sana akong mapagtatanungan! Tch!

Palingon-lingon ako sa bawat classroom na madaanan ko, baka sakaling iyon na ang room ko.

*tug*

“Aray~!” Nabunggo lang naman ako ng pagkalaki-laking katawan. Asar! Kasi naman Mary kung saan-saan ka tumitingin eh!

“Sorry... Uy Mary! Ikaw pala!” Kilala niya ako? Weh? Tinignan ko kung sino ang nakabanggaan ko at si...

OO! Si KIRBY! Ang manyak na nagnakaw ng halik at tinarayan ako! Ang kapitbahay kong pagkayaman-yaman! Lol.

Tinulungan niya akong makatayo at pinulot ‘yung mga gamit ko.

“Dito ka mag-aaral?” Tanong niya sa’kin. Obvious ba? Duh?

“Yep.” Matipid kong sagot. Medyo inis pa rin ako sa ginawa niya sa’kin. Ikaw ba naman kasi halikan ng taong hindi mo naman kilala! At worst, napagkamalan ka lang pala!

“Alam mo na ba ang room mo?” Tanong niya ulit sa’kin. Naglalakad na ulit ako para hanapin ang room ko. “Hindi eh.” “Patingin nga ng schedule mo.” Inabot ko sa kanya ang kapirasong papel na naglalaman ng schedule ko. “Classmate pala kita! Tara na!” Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa classroom naming. Buti maaga ako!

“Uy Kirbs!” May lumapit na 2 lalaki sa kanya. Tumingin sa akin ang isa at... “—Bago na naman? Iba ka talaga pare!” Sinuntok niya ng mahina sa braso si Kirby. Ha? Ano daw? “G@go!” Natawa na lang siya at hinila ulit ako papasok sa loob.

“Tabi na lang tayo!” Sabi niya habang ngingiti-ngiti pa. Ang cute niya! Bakit ganun?

“Sino ‘yung mga ‘yun?” Tanong ko habang nakatingin sa dalawang lalaking lumapit sa kanya kanina. “Ahh. ‘Yun ba? Si Japs at Archer ‘yun. Mga ka-ga—kaibigan ko. Yung tumawag sa’kin si Japs ‘yun at ‘yung tahimik si Archer.”

“Ahhh.” Tumango-tango na lang ako at humarap sa board.

“Musta bakasyon pare? Saka, sino ‘yang bago mo?” Tanong ni Japs pagkalapit niya kay Kirby at nakangiti pa ng nakakaloko. Anong bago?

“Sira! Kapitbahay ko nga pala, si Mary.” Pakilala sa’kin ni Kirby sa kanila.

“Hi Mary! Ako nga pala si Japs! At siya naman si Archer!” Nilahad niya ang kamay niya sa’kin at ang wide pa ng ngiti.

“Ahh. Hello.” Matipid ko naming sinabi at nakipag-shake hands sa kanya. Si Archer naman, tahimik lang sa likod niya. Mysterious?

Nagsimula na ang klase naming. Dahil nga first day ng classes ngayon, parang introduction muna ang magaganap. Natapos ang lahat sa pagpapakilala at pwede na kaming mag break.

He's A Gangster?Where stories live. Discover now