Chapter 1

232 8 2
                                    

   [ Kristoffer's POV ]

 Grabe! Ang sakit ng buong katawan ko! hayss.. -_____- Biruin niyo ba naman, sobrang laki ng katawan nung nakaaway ko kanina. Pwede ng grumaduate sa gym. Pang expert ang dating! E ako naman? pang Beginner lang!! Beginner vs. Expert? Sino sa tingin niyo kawawa? SYEMPRE AKO!!! Buti nalang talaga may umawat kanina kundi chop chop na ako ngayon. ARGHHHH! May gana pa siyang sabihin na hindi pa kami tapos? E siya na nga panalo! First round palang, knock down na ako! Atsaka ako naman yung tama, bakit naman ako magpapa api sakanila?? Syempre pinatulan ko rin!! Yan tuloy ako ngayon, bugbog sarado!

TToTT <----- yan ako! ANSAKIT TALAGA NG KATAWAN KO!!

" kuya, nakipagbugubugan ka nanaman? Hindi ata kumpleto araw mo pag wala kang pasa sa katawan mo! Tingnan mo nga yang sarili mo, e halos di na kita kamukha eh, ang pangit mo na kuya! " sabi ng pilya kong kapatid habang inaabot kay mama yung towel at tubig.

Eto talagang kapatid kong to! Kung makapag salita parang ate ko ha?!! Palit nalang kaya kami ng posisyon??  >.< Tsk... Tsk... Halatang may pinagmanahan.

" ano nanaman bang nangyari kanina Chris? Whats wrong with you? Araw araw ka nalang ganyan.." sabi ni mama habang ginagamot yung sugat ko. 

" aray! aray! Dahan dahan lang ma.." ang hapdi talaga!!! hirap pag nakipagbugbugan eh.

" Yan kuya, may pagtatandaan ka na! Alam mo ma, siguro dahil kay at Janna nanaman yan!" >.<

 "At ano naman ang kinalaman ni Janna dito?? ughhh!! Pakielamera kong kapatid!!!

" E kasi kuya, naglalasing ka dahil kay Ate Janna. buti pa ako, ang tataas ng grades ko, sayo kasi puro bagsakan! hahaha! "

Bagay talaga maging kontrabida tong kapatid ko eh!! 9 years old palang, andami ng nalalaman!! Nakakainis!!!  >.>

OO. Inaamin ko, dahil kay Janna ako nagkakaganito. BTW, si Janna ang ex girlfriend ko. Hanggang ngayon, sariwa parin yung sakit na pinaramdam niya saakin. Mahal na mahal ko siya, at siya lang ang babaeng minahal ko ng sobra! Ewan ko pero kahit anong gawin kong pag move-on, parang di talaga kaya... Ganito pala epekto kapag sobra kang nagmahal... Hinding hindi ko talaga makakalimutan yung araw na nag break kami...

( FLASHBACK)

" Andito kami ngayon ni Janna sa skating rink, 3rd monthsary kasi namin. Nagbayad pa talaga ako ng malaki para masolo namin tong skating rink na to. Naghanda pa ako ng fireworks para mas maging sweet at special tong monthsary namin. Pero alam ko naman na hindi mo dapat binibilang ang binibigay mo sa isang tao kung mahal mo talaga ito. Anyway, habang nag i- ice skating kami, bigla akong tumigil sa harapan niya at nag snap. Bigla nalang nagputukan yung mga fireworks. Ang ganda. Sana ma- appreciate niya yung effort ko. Humarap ulit ako sakanya at hinalikan siya sa pisngi.

" Happy 3rd Monthsary babe. Sana nagandahan ka dito. Masaya ako dahil maganda yung samahan natin. Wala akong ibang hiling kundi ang mas tumagal pa lalo ang relasyon natin. Ikaw lang ang babaeng gusto okong pakasalan. I love more than anything in this world." ~.^

Ayieee... Ang haba nun ah. Kung speech to sa class, naka 100% na agad ako. Ewan ko pero lumabas nalang sa bibig ko yung mga salitang yun. And I really meant it.

" Thank you babe. Na- appreciate ko talaga lahat ng ginawa mo para maging special to." sabi naman niya. Ewan ko pero parang feeling ko may tinatago siya. Halata kasi sa pagsasalita at aura ng mukha niya.

"babe,may sakit ka ba? Parang hindi ka masigla ah."

" hindi naman. May gusto lang akong sabihin sayo.. hindi ko na kasi kayang itago.."

Unexpected Love ( SoEul Fanfic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon