Chapter 2

21 0 0
                                    

Klaire POV,

*tok tok!*

Kinabahan ako sa katok na namutawi sa pintuan ng kwarto ko. Sino naman ang kakatok doon? Wala akong inaasahan na bisita.

*tok tok!*

Nanatiling nakaupo ako sa kama ko. Kinakabahan ako. Lagi naman eh, kaylan bako masasanay?

"Klaire. It's me!" Nawala agad ang kaba at takot na naramdaman ko ng makilala ko ang taong nasa labas. Hoooo! Tumungo ako sa pintuan at binuksan ang pinto. Hinila ko sya papasok at dahan dahan ko ulit isinara Ito.

"Masyado ka naman maingat klaire! Ano kaba. Relax kalang."
Tama si Annie. Masyado nakong napaparanoid! Ni hindi ako lumalabas ng kwarto ko sa takot na may mangyari sakin. Pero tignan mo naman sya? Okey na okey, samantalang lagi syang nasa labas.

"Ano ba ang ginagawa mo dito Annie?" Malumanay na tanong ko. Umupo naman sya sa sofa na nakalagay sa loob ng silid ko.

"Nothing. Aayain lang sana kita gumala gala sa labas." Lumabas? Nang ganitong mapanganib sa labas? Ano sa tingin nya ang iniisip nya?!

"No way! Baka kung mapano tayo sa labas Annie!" Sigaw ko dito, pilit na ipinapaintindi na delikado.

"Duh?! Halos araw araw nga ko sa labas Klaire! Ano? May nangyari ba sakin? Tsk. Alam mo, Wala naman mangyayaring masama sayo kung hindi ka magpapakita ng kabutihan dito. Thats the golden rule."

Huwag magpakita ng kabutihan? What does it mean?

"Let's go." Hindi nako nakatanggi PA sa kanya dahil hinila nya ako palabas ng silid.

Hindi ko alam kung napapansin din ba ni Annie ang mga matang nakamasid samin pero ako, ramdam na ramdam ko. Pero hindi ko sila makita.

Nagpunta kami ni Annie sa garden. Ngayon kolang nakita Ito dahil hindi naman ako lumalabas sa kwarto ko. Hindi ako makapaniwala sa itsura nito, para bang isa itong paraiso. Ang sarap pagmasdan!

"Lagi akong nandito kapag naboboring ako sa kwarto ko! Ang sarap kasi sa pakiramdam no?" Tumango tango ako bilang sagot . Hindi parin ako makapag salita, nakakamangha ang lugar na to.

"May ganitong klase palang lugar dito? Grabe." Manghang sagot ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng garden. Napupuno ito ng kulay berdeng mga puno. Meron din makukulay at mababangong bulaklak. Kahit sino yatang tao ang pumunta dito ay marerelax talaga.

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Oct 26, 2019 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

Demon highWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu