"Bakit nandito ka sa office?" Ayokong sagutin yung tanong niya.


"Trip ko lang. Ikaw? Kaninong record yang hawak mo?" Tanong niya tapos sinilip yung hawak kong folder. Sinarado ko agad yung folder tapos binalik sa drawer.


"Wala ito, may tinignan lang" 

"Ikaw ahh, bagong babae?" Ngumiti siya kaya binatukan ko.

"Anong bagong babae?" Tinanong ko. Tumawa ang sira ulo.


"Nagtanong ka pa talaga. Diba may Bea ka na? May Zharm pa? Tapos add mo pa yung mga girls ng school. Bagong babae si Kathryn Chandria Bernardo?" Ngumiti siya ulit tapos tumakbo. Hinabol ko dahil baka may mapagsabihan siya.


"Hoy Diego! Ang bilis ng mata mo ahh!" Nahuli ko rin at binatukan ko ulit. Tawa pa rin siya ng tawa.

"Totoo naman na bago mong babae yan ahh" Sabi ni Diego. May mga babaeng lumingon samin.

"Manahimik ka nga. Tinignan ko lang kasi may atraso sakin yun" Nagsinungaling pa tuloy ako.

"Weh?"


"Pag ito kumalat, tanggal ka sa team"


"Grabe ka nman DJ, joke lang" tumawa pa rin.

"Sige sige, may klase pa ko. Late na naman ako" Sabi ko.


Bwisit itong kaibigan ko. Kapag nalaman ito ni Bea, kawawa si Kathryn. Kawawa talaga. Pero pakielam ko naman dun. Di ko naman kaibigan yun ahh. Baka uma-acting lang yun na hindi ako gusto para lapitan ko.


Pumasok ako sa classroom at di na lang ako nagsalita sa professor ko. Di naman niya ko pwede pagalitan, matatanggal siya sa trabaho niya kapag ginawa niya yun. Ngiting ngiti sakin yun mga babae, yung mga lalaki naman, halatang bwisit. Kasalanan ko bang cute ako?


Umupo na ko sa back part, as usual. Pero bakit may katabi ako? Sino toh?

Nagsusulat siya kaya di niya ko napansin.


"Miss, bat nandito ka?" Tanong ko. Lumingon siya...bakit parang nakita ko na toh?

"Do i know you? You look familiar" Yung tanong ko sagutin mo pwede??!!!

"Well i don't know you...pero ikaw, kilala mo na siguro ako" Lahat naman kasi kilala ako.


"Nagkita na ba tayo dati?" Nagtanong ulit siya. Ano ba toh? Walang magawa kaya tanong ng tanong?


Nagisip ako. Wait, siya ba yun?


"Ikaw ba yung kasama ni Kathryn nung natapunan ko siya ng coke sa mall?"


"Oo ako yun. Wait, kilala mo na bestfriend ko?" Bestfriend. Wow. Parang hindi sila magkaibigan ahh. Si Kathryn maingay, ito naman disente.

Stuck in the Moment (Stuck Series Book 1)Where stories live. Discover now