If This Was A Movie

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anong oh?! E ikaw yung tumawag. At oo nga pala. Bakit alam mo yun? Pinakealaman mo na naman yung facebook ko?" iritable mong sagot. Wala akong naramdamang kahit anong pagmamahal mula sa sa tanong mong yun. Para bang wala akong ibang nagawa kundi inisin at istorbohin ka.

"Ayoko na." yan lang ang nasabi ko noon pagkatapos ay ibinaba ko na yung tawag.

Sising sisi ako na nasabi ko yun. Hindi ko alam kung bakit at saan nanggaling yun kaya sinubukan ulit kitang tawagan pero nakapatay na ang cellphone mo. Kaya naisipan kong baka galit ka lang at palilipasin ko na lang muna ang init ng ulo mo. Hinintay kita kinabukasan sa labas ng building nyo pero sabi ni Sai, batchmate natin noong highschool, nakaalis ka na daw. She even warned me na wag ka nang sundan dahil magkasama daw kayo at masasaktan lang ako. Palagi raw kayong magkasama, she also told me everything that happened last night. That you held Tricia's hand. Hindi ka pa nakuntento at hinatid mo pa sya sa bahay nila. Marami pa syang sinabi pero hindi ako nagpaawat at pinuntahan pa rin kita sa bahay nyo. Lola mo na ang nagpapasok at nagpaakyat sa akin noon kasi hindi ka man lang bumaba ng kwarto mo.

Akala ko maaayos pa natin ang lahat. Gusto kitang bawiin. Gusto kong sabihin sa'yo lahat ng nalaman ko pero pagkakita mo pa lang sa akin, napabuntong hininga ka na agad. Ayaw mo ba akong makita noon kaya ganon na lang ang salubong mo sa akin? Ang dating mukha na gustong gusto mong makita ay kinaiinisan mo na. Ramdam na ramdam ko na hindi ka lang basta nagtatampo. Nagagalit ka na para bang ayaw mo na akong makita ulit.

"Bakit hindi na kita matawagan?" tanong ko habang nakatayo. Ni hindi mo man lang kasi ako pinauupo.

"Bakit pa? Wala na tayo. Ikaw na rin naman ang may sabi." that cold tone went down my spine.

"Hindi ko naman sinsadya e. Sorry kung pinakealaman ko yung account mo. Sorry kung nakipagbreak ako. Hindi ko na uulitin. Pwede bang tayo na lang ulit." I was sobbing in between those sentences na sinabi ko. Hindi ko na kinaya kaya napaupo ako sa kabilang side ng kama mo. Akala ko yayakapin mo ako, ganun kasi ang palagi mong ginagawa sa tuwing umiiyak na ko kapag nagaaway tayo pero hindi. Mas malamig ka pa sa yelo. Natiis mo ako. Tumatagos yung tingin mo sa akin na para bang wala ako sa harapan mo.

"Ayoko na e." yan ang eksaktong sinabi mo. Hindi ako makahinga, para bang may nakaharang sa lalamunan ko. Hindi ko maintindihan kung anong mararamdaman. Ang sakit. Sa sobrang sakit, gusto nang sumabog ng puso ko.

Tumakbo ako palabas ng bahay, ni hindi na ako nakapagpaalam sa lola mo. Kasabay naman ng pagluha ko ang pagbuhos ng ulan. It was like we're in the movies. Tumatakbo ako nang walang payong at nakasunod ka naman. Kung hindi ko nga lang narinig na pinapahabol ako sa'yo ng lola mo ay iisipin ko nang makikipagbalikan ka. Napahinto ako. Nanghihina na ang mga tuhod ko kaya napaupo na lang ako. Hindi lang basta iyak ang ginawa ko noon. Para akong batang humahagulgol dahil inagawan ng candy. Lumapit ka at pinayungan ako kaya hindi ko na naramdaman ang pagtulo ng ulan sa katawan ko.

"Ang sabi mo, kaibigan mo lang sya. Pero bakit ganun?" kasunod ng sinabi kong yun ang muli kong paghagulgol. Wala akong pakealam kung may makarinig sa akin dahil pakiramdam ko sasabog ako kapag hindi ko nailabas ang sakit na nararamdaman ko.

Hinintay kitang yakapin ako pero hindi, ni hindi ka man lang nagsalita. Tumayo ako. Naalala ko kasi yung pangako natin sa isa't isa.

"Alam mo, may naalala ako." iyak tawa ang pagkakasabi ko nun.

"Ano yun?" tanong mo.

"Yung deal natin? Di ba hahampasin kita ng kawali kapag ipinagpalit mo ko. Kaya lang walang kawali dito kaya ito na lang. Lapit ka."

Lumapit ka nang walang reklamo. Siguro naalala mo kung ano yung sinasabi ko sa'yo. Parehas nating alam na nagbibiro lang ako noong napagusapan natin yung deal na yun pero pakiramdam ko, ito lang ang magagawa ko para naman kahit paano ay mailabas ko ang galit ko. Bumwelo ako at pagkatapos ay sinampal ka sa kaliwa mong pisngi. Halos matanggal ang panga mo noon pero hindi ako nakuntento at sinampal ka pa sa kanan. Ang akala mo siguro noon ay tapos na ako pero hindi, dahil sinikmuraan pa kita ng isang beses. And then you cried. Niyakap kita, your head was resting on my shoulder.

"Sorry. Masakit ba kaya ka umiiyak?"

"Hindi."

"E bakit ka umiiyak?" tanong ko.

"Kasi may isang mahalagang tao ang mawawala sa buhay ko." totoong umiiyak ka noong sinabi mo yun. Damang dama ko na pakakawalan mo na talaga ako.

"Hindi naman ako mawawala e. Dito lang ako." sagot ko sa sinabi mo while patting your back.

"Hindi na pwede. Sige umuwi ka na." sabi mo naman habang pinupunas ang mga luha mo. Tapos ay tumawag ka na ng tricycle at pinasakay ako.

Hindi na tayo nagkausap pagkatapos noon. Si Sai na lang ang palaging nagkekwento sa akin sa kung anong nangyayari sa'yo. Nabalitaan ko, nanliligaw ka na pala talaga sa kanya. You chose her over me. Alam mo bang hindi ka naman talaga nya mahal? At hindi ka nya mamahalin tulad ng pagmamahal ko sa'yo. Alam mo rin bang hindi naman talaga ikaw ang gusto nya. Ang gusto nya lang, yung pera mo. Hindi mo ba napapansin na palagi na lang syang nagpapabili sa'yo ng kung anu-ano? Sa akin ba naranasan mo yun? Alam mo rin bang hindi lang ikaw ang nilalandi nya? Na maraming lalake ang nakapaligid sa kanya? Samantalang ako, ikaw lang.

I was trying to release my emotions through facebook kaya nag-status ako noon.

"Maybe this is just a fairy tale in which I am the princess and you are my prince who's blinded by the witch."

Hindi pa nagtatagal ng isang oras ang status ko na yun, nagmessage ka na agad. Kinabahan ako. Yung kabang yun eh napalitan ng sakit nung mabasa ko yung sinabi mo.

"Ano na naman bang status yan? Pwede tigilan mo na si Tricia kasi hindi ka naman nya inaano. Tandaan mo, hinding hindi na ako babalik sa'yo." hindi ako makasagot sa sinabi mo. Naka-hide ba sa'yo yung status nya at hindi mo nabasa? Ang sabi nya, "Kawawa ka naman kasi akin na sya".

Sa sobrang taranta at kaba ko noon, hindi na kita nagawang sagutin. Simula noon, wala akong ibang hiniling kundi malaman ang totoong ending ng story natin. Naniniwala pa rin kasi akong isang araw, magigising ka na lang at marerealize na ako pa rin ang mahal mo. Na lahat ng 'to ay challenge lang sa relasyon natin, na ako pa rin ang prinsesa at ikaw ang prinsipe sa istoryang ito.

Maybe I've been going back too much kaya hindi ko namalayang marami na palang tao sa classroom at lahat sila nakatingin sa labas ng bintana na katabi ko. I got curious kaya napalingon ako. That's when I saw you standing outside. Umuulan pa rin at ni wala ka man lang payong. Pati yung sulat sa banner mo ay humulas na but still, nababasa ko pa rin. It says, "Sorry na. Pwede isa pa?". Hindi ko alam kung anong gagawin. Halos mapaiyak ako dahil finally, binabalikan mo na ako.

Tatayo na sana ako para lumabas at yakapin ka when I realized, it was just my imagination. But if this was a movie, you'd be here right now. Standing in the rain 'til I came out.





----------

May sequel na po ito entitled "White Horse". Kung gusto nyo po basahin, nasa gilid po yung external link or you can go to my page tapos pahanap na lang sa works ko. Thankyou!

If This Was A MovieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon