Prologue

5.4K 74 7
                                    

Alexander and Aria Story

Prologue

" Ikaw ha may gusto ka kay Magno no?" panunukso ng labingdalawang taong gulang na si Alexander kay Aria. Si Aria ay ang kapitbahay at isa sa matalik na kaibigan ng kanyang kakambal na si Alexandra.

"Hindi ah!" asik nya sa nakangising si Alexander. Inis na inis na sya sa kutong lupa na ito. Ayaw kasi syang tantanan sa kakatukso na may gusto daw sya sa kaklase nilang si Magno. Hindi nya alam kung saan lupalop nito nakuha ang idiyang may gusto sya kay Magno. Oo aminado sya na lagi nyang kinakausap ang kaklase dahil sa bukod sa matalino ay masayahin pa. Isa pa ito lang naman ang kanyang nag-iisang seatmate kaya lagi nyang nakakausap. Madaldal kasi siyang bata at pakiramdam nya ay hindi sya makakahinga kung tatahimik lang sya sa buong oras ng klase. Kaya kahit medyo mahina ay dinadaldal nya si Magno. Pero wala syang crush o gusto doon. Sa edad na dose ay wala pa sa isip nya ang pagkakaroon ng crush, sa katunayan nga ay nandoon sya sa bahay nila Xander para makipaglaro ng Barbie doll sa kakambal nitong si Alexandra at kay Sam na isa rin sa kanyang bestfriend. Kahit masasabing mga dalagita na sila ay mahilig parin silang maglaro ng mga manika. Pinagmamalaki nya nga sa kanyang mga kamag-aral na may collection sya ng mga Barbie dolls.

Nagsisisi si Aria kung bakit inagahan nya ang pagpunta dito sa bahay nila Alexandra. Sabado at wala silang pasok kaya nagkasundo sila na maglalaro ng kanilang mga Barbie. Sa kasamaang palad ay isinama si Alexandra ng kanyang Mommy sa grocery na nasa labas ng Village nila. Kaya no choice sya kundi hintayin na lang muna ang kanyang bestfriend sa playroom dahil ayaw nya nang umuwi sa kanilang bahay. Mainit sa labas at ayaw nyang napapawisan.

Busy syang inaayusan ang bagong-bago nyang Barbie na ineregalo pa sa kanya ng kanyang Tita Madeline. Maingat nyang sinusuklayan ang mahaba at makintab nitong buhok nang pumasok si Xander dito sa playroom na gulo-gulo pa ang buhok at naka ternong padyamang SpongeBob. Kakagising lang sigurado ng kinaiinisang kakambal ng best friend nya. Hindi nya na maalala kung kailang sya nag-umpisang mainis dito basta ang alam nya lang ay sa tuwing nakikita nya ito ay kumukulo ang kanyang dugo. Pagkakita sa kanya ay ngumisi kaagad ito at ayun tinutukso na sya nang walang tigil.

"Ows maniwala ako eh bakit lagi kayong nagbubulungan tapos humahagikgik ka pa?" nakapamaywang na tanong ni Xander sa kanya. Nakaupo sya sa carpeted floor at nakatayo ito sa kanyang harapan.

Hindi nya ito pinansin at pinagpatuloy nya lang ang kanyang pagsusuklay sa buhok ng kanyang Barbie. Sobra-sobrang pagtitimpi na ang ginagawa nya para iwasan lang ang makipag-away sa salbaheng kakambal ng bestfriend nya. Ano ba ang pakialam nito kung makipagtawanan sya sa katabi?

"Hindi ka makasagot no? Kasi totoo. Di ba sabi nga nila silence means yes?" dagdag pa ni Xander.

Bumilang sya ng isa hanggang sampu sa kanyang isipan para mawala ang inis na nararamdaman nya. Huminga pa sya ng malalim para maibsan ang paninikip ng kanyang dibdib.

"She really likes Magno! She really likes Magno!" paulit-ulit na kanta pa nito. Nagdidilim na ang kanyang paningin sa papansin na makulit na lalaking ito. Sa kanyang isipan ay sinasakal nya na ito at lawit na ang dila sa higpit ng pagkakasakal nya.

"Ayaw mo akong pansinin ah," wika ni Xander. Naiinis na rin sya dahil ayaw syang pansinin ni Aria. Kanina nya pa ito kinukulit pero dinedeadma lang sya. Hindi nya alam sa kanyang sarili kung bakit gustung- gusto nya itong asarin. Basta ang alam nya lang ay cute na cute sya sa mapupula nitong mga pisngi lalo na kapag nabwibwisit na ito sa mga pang-aasar nya.

Akala pa naman nya ay kakausapin sya nito dahil wala pa ang kanyang kakambal at si Sam . Nang malaman nya sa kanilang Daddy na nasa playroom si Aria ay dali-dali syang pumunta doon kahit hindi pa sya nakakapagsuklay at toothbrush. Sabik na sabik na syang asarin ito para makita ang mapupulang mga pisngi na parang mansanas kapag nagagalit na sa kanya. Mestisa si Aria kaya kitang-kita kapag namumula na ang mga pisngi nito.

My Best friend's Twin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon