Kabanata 57

10.2K 358 349
                                    

Chapter 57: New School

"Uy! 'Wag nga kayong maglandian sa harapan ko. Panget ng view."


Napatawa naman kaming limang nasa table ng cafeteria dahil sa pagrereklamo ni Alex. Napapailing nalang ako dahil kanina pang nagsusubuan sina kuya Andrew at Jana ng fries. Binato naman ni kuya si Alex ng tissue sa gilid niya bilang ganti.


"Gawa ba sa metal 'yang ngipin mo? Parang simula umaga palang ay lollipop na 'yang kinakain mo ah."


Sinamaan ng tingin ni Jann si Devin at pinagpatuloy ang pagkain niya sa lollipop. Napangiti ako habang tinitingnan ko ang paligid ko.


Mga nag-aasarang estudyante, nagdadaldalan at ang ilan naman ay tahimik lamang na kumakain. Ito ang tinatawag nating ordinardyong eskwelahan at estudyante. Hindi katulad ng Diavolo na puro kaabnormalan ang pinapagawa.


"Hello po."


Napatingin kami sa babaeng may hawak na box ng cake. Lumapit siya sa amin habang nahihiyang nakatungo. "A-alex" mahinang tawag niya kaya napatingin kaming lahat kay Alex na napaluwa ng burger na kinain na niya.


Yuck naman, Alex!


"Ahmm tanggapin mo sana 'to. Crush po kasi kita."


Napalunok naman si Alex nang makita 'yung babae. Kulay brown ang buhok nito at may singkit na mga mata. Sa totoo lang ang ganda niya talaga infairness. Napailing naman si Alex at binalik ang cake na inabot sa kanya.


"Sorry. My heart belongs to someone else."


Kinindatan ni Alex 'yung babae at pinagpatuloy ang kanyang pagkain ng burger. Naluluha namang tumingin ang babae kay Alex dala na rin sa kahihiyan at ang cake sa lamesa namin tsaka umalis.


"Uy grabe ka. Kawawa naman si girl" sabi ni Jana habang sumisipsip sa straw ng kanyang iced tea. Napangiti naman si Alex at umayos ng upo.


"Si Shane pa rin talaga eh."


Nakakailang buwan na rin nang pumasok kami sa school na ito. Pero kahit ganon ay hindi pa rin ako sanay sa paligid. Masyado akong nasanay sa loob ng Diavolo.


Itinigil na muna namin ang pagkwekwentuhan nang may lumapit namang isang lalaki na hindi gaano katangkaran at maputi. May hawak naman siyang bulaklak. Lumapit siya sa direksyon ko at lumuhod sa harapan ko.


"Hi, Ms. Guzman. Sa tuwing nakikita kita, nagkakaroon ng liwanag ang mundo kong madil-"


"Hoy! Umalis ka dito. Taken na 'yan."


Humarang si Devin sa aking harapan at kinuha ang bulaklak sa lalaki. Napatawa ako nang namahid ang lalaki sa kanyang mukha dahil natalsikan siya ng laway ni Devin.

Diavolo Academy (Completed)Where stories live. Discover now