(46) - Teen's Life

13 3 5
                                    


"Be mature and face the true world."

-------

KIARA'S POV

Pag katapos ko nang isuot yung sapatos ko at chineck ang ilang kailangan ko pa tsaka 'ko kinuha yung maliit ko na bag.

Ang aga ko ngayon noh? Hindi na kailangan gisingin ni kuya. Nakakahiya kasi kapag naabutan pa akong ginigising, 'pag naabutan ng sundo ko. Bongga oh.

Ilang weeks na rin kasi ang lumilipas at ramdam na ramdam ko na, na talagang may manliligaw ako. Hatid sundo niya ako lagi, ilang weeks na 'yang ganyan. Nung una nga tinanong ko kung nilalagnat siya alam niyo sagot niya? 'Mag mature na tayo' Yhas po, 'yan ang sagot niya pero sumagot din siya ng 'Vincent Techniques' daw bes.

"Good Morning."

I smile back to him and greet him "Good Morning"

"Alis na, bilisan niyo!" Natawa ako sa sumingit na si Kuya.

Wait, yes. Si Vincent Monkey nga ang hatid-sundo ko. Siya lang naman ang one and only manliligaw eh.

"Tara na nga." Sabi ko kay Vincent at lumabas na ng bahay, pero bago pa kami makalyo ng tuluyan kay kuya lumingon muna si Vincent.

"Bayaw, una na kami" Sa gulat ko sa sinabi niya, automatic na nahampas ko yung braso niya. Iba rin eh.

Ayun nag tawanan lang sila tapos nag-lakad na ulit kami papasok sa kotse ni Vincent.

Sanay na si Kuya na lagi na akong sinusundo ni Vincent, alam na rin naman kasi ni Kuya na nanliligaw si Vincent. Napaalam na rin kila Dad and Mom pero hindi pa nila nakikita sa personal, hindi pa kasi sila nakakauwi pero daw pag-uwi nila, They want to meet him as soon as possible. Sabi ko nga man liligaw palang naman.

Akalain mo nga naman oh? Andito na kami. Akala ko habang buhay akong makikipag-bangayan sakanya, dito rin pala bagsak namin.

Naiintindihan ko naman 'yung sinabi niyang kailangan na naming mag-matured. Hindi ko na kailangang palawakin pa 'yung salitang 'yun dahil sobrang nagegets ko siya. It's all about our life, It's all about our lovelife.

"Anong iniisip mo?" Napatingin ako sakanya ng tanungin niya 'yun habang nag-dadrive.

"Gusto mong malaman?"

"Kaya ko nga tinanong diba." Pabalang niyang sagot sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ngiti lang naman ang isinukli niya sa akin.

"Iniisip ko 'yung grades ko. Sana matataas 'yung mga exams ko." I lied. Iniisip ko naman talaga yung sa amin eh.

Nga pala, tapos na 'yung final exam namin. Sa wakas.

Sa totoo lang, madami pang activities ang naiwan, bawal umabsent kasi nag aattendance araw araw kaya don't expect me to absent. Baka mag bawas ng grades. Gusto ko kapag nag college ganito parin yung grades ko.

"Ah, akala ko ako." Napatawa ako sa isinagot niyang 'yun at hindi ko namalayang inistop na niya 'yung engine ng kotse at pinag-buksan ako ng pinto.

Iniayos ko yung sarili ko at lumabas na ng kotse. Sabay naman kaming nag-lakad papasok hanggang sa classroom namin.

Sumalubong doon ang mga tingin saamin ng mga kaklase namin at yung mga kantyawan ng iba. Lalo na sila Ice.

"Pre, kailan mo balak gawin?" Sigaw ni Ice habang palapit kami sa kanila. Wala pa si Chelz at Clarck ah.

"Ang ingay mo. Basta, samahan mo nalang ako mamaya." Sagot ni Vincent at saka naman tumawa si Gray at Ice. Anong nakakatawa d'un?

Tumingin ako kay Vincent na nag-tataka. Hindi ko kasi alam 'yung pinag-uusapan nila. Ngumiti lang siya sa akin at tinap ang ulo ko. Aso lang ang peg.

Fell inlove with my enemy (on-going)Where stories live. Discover now