Tik. Tok. Tik. Tok.
Teka? Gano na ba ako katagal na nakatunganga dito? Almost 15 mins na ata? Di bale, maaga naman ang sinet kong alarm kanina. Ang totoo kase niyan, hindi pa rin ako nilulubayan ng iniisip ko kagabi. Napuyat tuloy ako.
Napadako ang tingin ko sa night stand sa tabi ko. Ilang taon na yata 'to sa akin, di pa ko pa rin to mapalitan. May sentimental value kase, alam mo yun? Yung feeling mo may mababawas sa pagkatao mo kapag nawala?
Oo na, aaminin ko na,
Ex ko kase nagregalo sa akin niyan.
Pero never naging kami
Ex MU siguro? Parang kami pero hindi
---na ngayon.
Aish. Dapat di ko na siya iisipin eh. Mabuti pa makapag-ayos na. Mahirap na, baka malate pa ako.
Buti na lang at nadistract ako sa biglang pag- vibrate ng CP ko. Di na ako nagulat nang makita ang text ng boss ko na sinasabing pumasok ako ng mas maaga sa usual dahil may urgent daw. Asus. Maniwala naman ako sa kanya. Sa ilalim ay nag-appear ang isang pop-up box. Iyon ang tuluyang nakapag-pabangon sa akin sa kama.
Alarm clock app is not responding. Do you want to close it?
Wait|Close
Kaya pala, kanina pa ako nagtataka kung bakit wala pa rin akong naririnig na song na tanda ko bilang alarm.
Kung mamalasin ka nga naman.
Dali dali akong tumayo at kinuha ang bag na naglalaman ng toiletries ko. Kaya ko naman sigurong makarating sa office ng in 30 mins. no? Given lang naman na 20 mins ako maligo at 10 mins ang lakad papunta sa work? Grabe, posible nga.
And to make things worse, mahaba ang pila sa banyo, ito ang hirap sa dorm eh,pag nalate ka ng gising, nagsasabay ang lahat sa bahay.
Kaya naman bumalik na muna ako sa kwarto namin ng roomates ko. Tutal malelate naman ako, sulitin ko na. Kailangan ko lang kasing tapusin ang bagay na kagabi ko pa sinimulang gawin,
Ang tumunganga.
-
Naputol lang ang tunganga session ko nang dumating ang mga roomates ko, sign na konti na lang ang nakapila sa CR. Makukupad kasi ang mga itong kumilos at nasa gitna kanina ng pila ng abutan ko.
Katatayo ko pa lamang para bumalik sa pila ng makareceive ng text sa boss ko, he said I'm already 10 minutes late at kung lalagpas pa ako ng 5 minutes ay sisisantihin na niya na ako.
But who cares right?
-
Ngayon alam ko na kung bakit niya ako minamadali.
My boss is at the same time my friend. Kaya ng sinabi niyang sisisantihin niya ako, di ako naniwala. Of course, friends won't do that to each other.
There's an unexpected meeting. Lahat ng empleyado involved dahil kailangang i-welcome ang bagong shareholder, that happened to be my ex.
How I wish, lamunin ako ng lupa. Pero hindi, I have to prove to him that I am not stuck into loving him. But am I?
I shook the idea off my head, no I've already moved on, that's for sure. Nagkunwari akong nakikipaglandian sa katabi ng cubicle ko para di mapansin ang pagbabago sa physique niya. He's a little bit bulkier this time. For sure, he's using his frame to attract girls and play with their hearts.
