Weird kung makatingin ang mga tao kay Dash pagkasakay namin ng jeep. They were eyeing him as if they're mesmerized.

I mean, who wouldn't? Seeing a man with mesmerizing darkish blue–almost black in shade eyes when he's in the dark?

At ngayon dahil maliwanag ay mas kita ang pagkaasul no'n.

Si Dash naman ay mukhang walang kaalam-alam sa mga tingin sa kanya dahil nakasandal lang ito sa akin at hawak ang kamay ko.

I saw two girls ogling over him. Nakita ko pa nga ang isa na inilabas ang phone niya at pasimpleng itinatapat kay Dash kaya nangunot ang noo ko.

Jealousy took over me kaya hinawakan ko ang kulay puting cap ni Dash at inilagay pa sa may ulo niya para matakpan ang mata niya.

"What..." Napaayos ito ng upo at akmang magtatanong kaya nilapit ko ang bibig sa tenga niya.

"They're taking photos of you!" Mariing bulong ko. Nakita kong napatingin siya doon at may maliit na ngiti na gumuhit sa labi niya.

Humagikgik ang nasa harapan ko kaya napangiwi ako at kinunutan ng noo si Dash. Nakuha naman kaagad niya at ngumuso bago tumango.

"Okay..." he hummed at ibinaba ang cap niya para matakpan ang mukha. Pagkatapos ay bumalik sa pagkakasandal sa balikat ko para bumulong.

"Aren't you going to tell me I'm a good boy?" aniya.

"Why would I tell you that?" Tanong ko. He groaned and sighed.

"Well, I was just expecting a kiss after that," natawa ako at hinayaan siya.

Pagkarating namin ng mansyon nila ay malakas ang kabog ng dibdib ko.

Napatingin ako kay Dash na nag-uunat sa tabi ko at tinanggal ang cap niya at ipinatong sa ulo ko.

"Finally!" he exclaimed. Napahikab siya at napakamot ng batok. A glimpse of the past passed through me. I remembered when Dash told me we'll come back here together, he made that happen.

He made that unconsciously, kahit na hindi niya alam na ako ang nakasama niya noon. He came back with me.

"Are you fine?" tanong nito sa akin ng mapansing nakatitig ako sa kanya at maya-maya'y tumakbo ako payakap sa kanya.

"Dash..." Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Why? Is there any problem?" Umiling ako at sumubsob sa dibdib niya at naramdaman kong niyakap niya akong pabalik ng mahigpit.

"Sshh, it's alright," ani Dash habang hinahaplos ang buhok ko. He was whispering sweet nothings in my ear at tango lang ako ng tango sa kanya. He held both of my cheeks and stared at me with those soulful eyes. It was gentle and full of life.

I remembered staring at his blue eyes in this house and I can't believe that his now black eyes are staring back at me in this very house again where it first started.

"Fleureah," aniya habang hinahanap ang mata ko. "I don't know why but seeing you here now, being with you now feels different." He smiled at me.

"P-paanong different?" tanong ko. He bit his lower lip and leaned in and kissed the tip of my nose.

"It felt like I finally filled an unfulfilled promise. It's weird but it feels right."

Binati kami ng guard at ng mga tauhan pagkapasok pa lang namin. They were shocked seeing him and me together pero umiling lang ako kaya hindi sila nagsalita.

"May ipapakilala ako sa 'yo," aniya.

"Who?" tanong ko.

"My baby." He smiled at me. Kaagad naman akong napaayos ng upo sa sinabi niya at nakaramdam ng excitement.

Blind LoveWhere stories live. Discover now