Kabanata 7

317K 10.7K 3.4K
                                    

Kabanata 7

"MAG-iingat ka roon, anak, huh?" Natawa ako sa sinabi ni Nanay at tumango.

"Sa falls lang naman kami, 'Nay. Parang hindi naman ako nakakapunta d'yan..." Nakangiting sabi ko.

"Kahit na, s'yempre kailangang mag-ingat, 'no." Sabi niya sa akin. Tumawa naman ako at inakbayan siya habang papalabas kami.

"Opo, mag-iingat ako. Mamayang gabi, 'Nay kapag late na kami makauwi baka sa mansyon na lang ako matulog." Sabi ko sa kanya. Sumulyap siya sa akin at tumango

"Sige, basta mag-iingat ka, Reah, huh?"

"Opo nga, si Nanay talaga," natawa ako nang ngumisi siya. Hinatid niya ako sa labasan ng bahay at iniabot sa akin ang maliit kong bag pack at baon.

"Bye, Allia!" Kumaway ako sa kapatid ko na nakadungaw sa bintana namin. She smiled before waving at me at nag-flying kiss pa.

"Bye, Ate!" She cheered.

Humalik ako sa pisngi ni Nanay bago isinukbit ang bag ko sa likuran ko at hawak ang baon ko ay naglakad ako papunta sa mansyon ng mga Sandejas na hindi naman kalayuan.

We've decided na maligo sa Kawasan falls dito sa amin. Nag-aya kasi 'yong tatlo kagabi noong nagtanong sa akin kung saan p'wede mamasyal. Last week na rin kasi rito sa amin nila Zeijan, Kuya Iñigo at Thallia kaya napagdesisyunan naming mamasyal.

Ka-buwanan na kasi halos din ni Thallia kaya sila lilipad na pabalik at baka manganak na lang bigla dito sa amin. Kakapanood kasi ng mga korean dramas at horror movies, sino ba namang hindi manganganak bigla? Iiyak siya kapag Korean dramas tapos titili kapag horror! Ako ang natatakot sa pinanggagawa niya, e.

Nararamdaman na rinniya kasi ang contractions at nananakit na ang baywang niya.

Inayos ko ang bag ko sa likod nang matanaw ko na ang mansyon. Nakita ko si Krista na tumutulong sa paglalagay ng kung ano sa van na dadalhin.

I am only wearing a white shirt and shorts para sa paglangoy mamaya habang naka-spaghetti strap at short naman si Krista.

"Reah!" Thallia exclaimed when she saw me kaya ngumiti ako at mabilis na naglakad palapit sa kanya.

"Masakit pa?" Tukoy ko sa tiyan niyang nirereklamo na sumasakit. Hinawakan ko siya sa braso para alalayan.

"Medyo, itong kambal ko ang kulit. Palibhasa kasi si Iñigo, napakakulit rin. Ayon mana sila sa Tatay nila," kwento niya sa 'kin.

Naka-summerdress lang siya na kulay dilaw ngayon at may hat sa ulo.

Kikay na kikay si Thallia. Palaging pangbongga ang damit, nakakatuwa nga siya tignan at minsan kapag naglalakad lang sila sa talahiban ni Kuya Iñigo nakamamahaling boots pa at maraming bitbit. More of si Kuya pinagbibitbit niya.

They're cute.

Inalalayan ko siya papasok sa van at nakita ko si Kuya Iñigo na lumabas ng bahay habang ipinapalibot ang tingin niya.

"Where's my wife?" aniya kay Krista na nakatayo roon.

"Ay, nasa van na po," ani Krista.

"Salamat," tipid na ngumiti si Kuya at dumiretso sa may amin.

He smiled when our eyes met at kaagad siyang sumilip sa may likod ko. "Si Thallia?" He asked.

"Nandito na," tumabi naman ako at pumasok siya sa van at binulungan si Thallia. Ipinalibot ko ang tingin ko at nakitang may kausap si Zeijan sa telepono niya sa isang gilid.

Napatingin ako kay Krista na nakahalukipkip lang at nginisian ako ng makitang nag-lilibot ang tingin ko. Sumimangot naman ako sa kanya bago sumilip sa van at kinausap si Kuya.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon