Thank you for reading my story!
You truly made my day. Enjoy!
----------------------------------
Tonight, I let a stranger kiss me. I let guys dance with me and touch me freely. Ito ang huling gabing magiging malaya ako sa kahit kaninong lalaking gusto ko.
"Sabi na sainyo, pa good girl lang yan. I bet, mawawala na virginity niyan mamaya." Dinig kong halakhak ng mga babae sa likuran ko.
Na agaw iyon ng aking atensyon kaya naman bahagya akong tumigil sa pag sasayaw para pakalmahin ang aking sarili.
Ako ba ang tinutukoy nila? Malamang, derektang derekta nga ang mga mata nila ngayon sa akin.
Kung hindi lang ako problemado ngayon ay baka na sampiga ko na sila isa isa.
Pero masyado akong maraming pinoproblema ngayon para isiksik pa yang mga paninira nila saking kokote. Binalewala ko nalang ang mga babaeng iyon.
Hindi ko pa rin maitatanggi na may parte sa aking masakit dahil parang sampal ang salitang iyon sa akin. Pinalaki ako ng mga magulang kong maayos at hindi nila tinuro sa akin ang ganitong klaseng pag uugali.
Ang mag pa halik sa kahit kaninong lalaki, mag pa hipo sa kahit kanino, mag inom at gawing pampalipas oras ang pag babar pag may problema.
Ang pintasan ako ng ibang tao sa paligid ko ay para na ring pinintasan ang mga magulang ko dahil sila ang nag palaki sa akin, gayong wala naman silang kasalanan dahil wala silang ginagawa sa akin kundi ang mahalin ako ng buo.
Lumaki akong may perpekto't masayang pamilya wala na akong hihilingan pa. Sinusunod ko ang bawat hiling nila dahil sa tingin ko'y ayun ang deserve nila. Simple o mahirap susundin ko para sakanila.
Pero ngayong huling gabi bago pa ako tumungtong sa pagiging 18 ko ay lulubos lubusin ko na.
Habang tumatagal ay nakakaramdam na ako ng hilo, sunod sunod kasi ang alok sa akin ng mga lalaking nakakasayaw kong uminom ako, hindi ko naman magawang tanggihan.
Ang totoo niyan ay ito ang ka una unahan kong punta sa bar. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na pumarito dahil hindi magandang gawain iyon lalo na't estudyante palang ako, hindi tulad ng kaibigan kong si Sofia parating laman ng mga bar palibhasa ay laking ibang bansa.
Na kwento niya sa akin kung papaano na wawala lahat ng problema niya pag pumupunta siya dito kaya naman walang pag dadalawang isip na inaya ko siyang tumambay dito kasama ang isa pa naming kaibigang si Cess.
"Reign tama na yan." Si Sofia. Kumunot ang noo ko sa aking kaibigan dahil pumagitna siya sa kasayawan ko kaya naman bigla itong umalis saking harap.
"Sofia? This is my last night! Pag bigyan mo naman ako!" Iritado kong singhal sakanya. Natigilan ako saglit. Boses ko ba iyon? Lasing na nga ata ako.
"Kanina pa kita pinag bibigyan, sobra na! Ang dami ng lalaking-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya't tinalikuran ko nalang siya. Wala akong panahon para pakinggan ang mga sermon niya sakin.
Dumeretso ako sa sofa namin kung saan naka upo ang isa pa naming kaibigan na si Cess ang mala Maria Clara naming kaibigan. Masyadong mabait at ayaw uminom o sumayaw manlang.
"Ang kulit ng kaibigan mo Cess!" Iritadong salubong ni Sofia sa amin. Umirap nalang ako sa kawalan.
"Kung kausapin mo kaya ang mga magulang mo tungkol sa tradition niyo? Mabait naman sila Tita, I'm sure maiintindihan nila na 'di ka approve sa gusto nila?" Pag aalala ni Cess sa akin.
YOU ARE READING
Caged Heart
RomanceSi Reign Agnes Silvestre ay laki sa pamilyang may kinalakhang mahigpit na tradisyong kailangan sundin. Pinalaki siyang masunuring anak sakanyang mga magulang, pero muli pa rin kaya siyang maging masunuring anak kung ang salita ng kanilang tradisyon...
