CHAPTER ONE: BLAST FROM THE PAST

918 47 30
  • Dedicated to Tj Badidles
                                    

“BANAL NA ASO! SANTONG KABAYO! NATATAWA AKO HIHIHIHIII!“ >:D

“AAARRRGGGGHHH! Jusko. Bakit ba yan ang alarm tone ko? Feeling ko mamatay ako sa takot! -.- zzzZZZZZZ.” Ayoko pa talagang bumangon. Lord, mamaya na po? Puhleeeeaase? >.<

“Gising na! hoy! Ma-EL!! Kanina pa yan tunog ng tunog! Nakahanda na si Nanay sa baba! Hoy!?!? Gising ka na ba? ANU BA!!??”

“. . . . . . . . . . . . .” 

Sa sobrang antok ko wala akong maintindihan sa mga sinasabi ni Kuya, pero alam ko na sumisigaw siya. Hahaha! :D Ilang segundo ang nakalipas naramdaman ko na yung lamig ng sahig sa mukha ko. Hinila niya ko sa paa pababa ng kama. Oo, ganito talaga kami Kuya, halos araw-araw pa nga. :D Ang sweet niya diba? Ginigising pa ko para lang kumain. :D 

At syempre, nilasap ko pa yun feeling na nakadapa sa sahig, siguro kung hindi ko pa na-amoy yung bagong luto na sinangag ni Nanay, malamang sa malamang na tulog pa ko. Hahaha! Tamad na kung tamad! Sabado naman ehh. Kaya walang pasok. HAYAHAY! :D

“Tsss. Wala padin akong maisip! :/ badtrip. Kuya? Asan k aba? KUYAAAAA? Anu ba yan!” Umalis muna ko sa garahe para hanapin si Kuya. Sabay sumunod naman si Tyke sakin, ang ubod ng liit at kulit naming aso na palagi kong katabi sa pag-tulog. :)

At ayun si Kuya, sarap ng tulog sa kama niya. Ayoko nalang siyang istorbohin, sigurado namang pagod siya sa training niya kahapon. Lifter/Dancer/Choreographer at Music Mixer si Kuya ng PEP Squad sa school namin.

Bumaba nalang ako sa salas at umupo sa sofa, natuwa naman ako dahil sumampa si Tyke sakin at humiga sa tyan ko. Nag-masid ako sa bahay ni Nanay, nakita ko yung family picture namin, karga pa ko ni Mommy, at karga ni Daddy si Kuya tapos si Tyke maliit palang at naka-sampa kay Mommy. Hindi na namin gaanong maalala ni Kuya yung mga panahon na buhay pa sila, one year old palang naman ako nun at three years old naman si Kuya. Dating OFW si Mommy nung nakilala niya si Daddy, kinasal sila at ayun BOOM! Kami ni Kuya Arthur ang bunga ng pagmamahalan nila. Ang galing noh? bwahaha. :D

Naaksidente daw yung sasakyan nila pauwi galing sa anniversary date nila. Sa totoo lang nagtataka ako kung bakit sa mismong araw pa ng anniversary nila, sabay din silang namatay. Siguro nga meant to be talaga sila, kaya nangyari yun.

“Arf! Arf!” nagulat naman ako, si Tyke kasi. Nakita niya sigurong napa-iyak ako. Kaya dinilaan ako sa mukha at sumiksik pa siya sakin. Ang sweet talaga nitong aso na ‘to. :)))

Sabi ni Nanay (nga pala si Nanay Carmen ang Mommy ng Mommy ko. In short, Lola ko siya. :D) binalitaan siya kagad ni Auntie Lucy (kapatid ni Daddy) tungkol sa nangyari, ilang araw lang ang nakalipas dumating na si Nanay galing Pilipinas, inayos niya ang lahat-lahat.

After a week ng pag-stay ni Nanay sa Florida, they decided that was best for to stay and live in the Philippines, para din may kasama si Nanay sa bahay niya.

Hindi kami nahirapan ni Kuya mag-adjust dito sa Pilipinas. Masaya kami ni Kuya kahit wala na ang mga magulang naming, feeling naming ni Kuya 2-in-1 na si Nanay sa pag-aalaga niya sa amin. Super-duper-wonder woman nga ang tawag namin sakanya. Si Nanay Carmen ay isang Sastre (ha? Anu daw? Mananahi po. Hihi. :D). She loves making clothes, madalas terno pa kami ng damit ni Kuya. Lagi din kaming tumutulong sakanya lalo na pag tambak ang trabaho niya. Kaya nga minsan inaasar kami ni Kuya ng bading kasi may pag ka-fashion designer ang dating namin. Bwahaha! :D pero alam namin lalaki talaga kami. :D

Ayun, si Tatay Carlos naman ang Lolo namin. Unfortunately, hindi na nanim siya nakilala. High school student palang si Mommy nung namatay siya dahil sa stroke. :( (Hindi ko na namalayan nasa terrace na ko, nag-lalakad na pala ako habang nag-iisip at nagkwe-kwento sainyo.) Nakakapagtakang hindi sumunod si Tyke. Hahaha! Baka natutulog. oh well, alone time muna. :)))

Three Minutes (ON-GOING)Where stories live. Discover now