Hinawakan ko sa bandang dibdib si Renzo at mabuti na lang ay humihinga pa siya. Tiningnan ni Alex nang napakasama ang nanay niya. Nanlaki ang mata ko nang humugot siya sa kanyang bulsa ng isang baril. Itinapat niya ito kay Mrs. Valera.


"Alex! I'm your mother! Tingnan mo ang itinuturo mo sa anak ko? Kayo ang may kagagawan niyan!"


Kakalabitin na sana niya ang gatilyo ng baril nang bigla na lang nagbukas lahat ng ilaw sa court. Napapikit ako dahil sa nakasisilaw na liwanag. Mabilis kong tinanggal ang night glasses at nilinga ang paligid.


Mga tauhan ni Mrs. Valera na naka-itim na damit ang nakapalibot sa buong court. "Patayin n'yo sila!" utos ni Mrs. Valera ngunit kahit isa sa kanila ay walang sumunod.


Lumakad pa-una ang isa at tinanggal niya ang kanyang itim na sumbrero na natatakpan ang buo niyang mukha.


"Jana."


Ngumisi siyang tumingin sa paligid, samantalang si Mrs. Valera naman ay napa-upo nang makitang ang mga tauhan niya ay wala nang malay at duguan sa sahig.


Ibig sabihin ay nag-disguise lang ang mga nakapalibot sa amin. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit niya kami tinutulungan kung siya rin naman ang dahilan kung bakit ako napapunta dito.


Lumakad din pa-una si Devin na nakasabit ang malaking baril sa kanyang balikat kasama si Ms. Yuzon na naging principal namin na kakambal ni Mrs. Valera.


"Hello, my dearest sister," nakangiting bati ni Ms. Yuzon sa kanya na lalong ikinagalit ni Mrs. Valera.


"How dare you?!"


Tinutukan niya ng baril si Ms. Yuzon pero agad siyang tinamaan ng baril sa kanyang kaliwang balikat ng isa sa mga kasamahan nina Devin. Napa-upo si Mrs. Valera dahil sa sugat na natamo niya.


Manlalaban sana siya ngunit huli na ang lahat dahil pinaputukan siya muli ni Ms. Yuzon sa kanang balikat. "Sa tingin mo, kakampi ako sa'yo? Yes, we are sisters by blood, but it doesn't mean na kakampi ako sa kasamaan mo."


Nakakapagod na. Kahit matapos na ang kasamaan, madami pa ring buhay ang nawala sa eskuwelahang ito.


Nakapikit na si Mrs. Valera na napapagiliran na rin ng sarili niyang dugo. Napabuntong-hininga si Ms. Yuzon at sumenyas sa akin na lumabas na.


"M-ma!"


Iyak na naman nang iyak si Alex. Kahit sabihin natin na kumampi siya sa amin, hindi mawawala na mahal niya ang sarili niyang ina. Lumapit siya kay Mrs. Valera at niyakap ang wala nang malay na katawan nito.


"Thea! Si Zelo!"


Nakita kong tumatakbo papalapit sa akin sina Jann at Kuya Andrew na pawisan. Hingal na hingal sila nang hawakan nila ang braso ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Anong nangyari kay Zelo? Sana maayos ang kalagayan niya.


Nanginginig ang tuhod ko habang papalapit kami kay Zelo. Hinawakan ko nang mahigpit ang kuwintas na binigay niya dati. Nakarating na kami kay Zelo na nakahiga at wala nang malay. Napakarami niyang dugo sa ulo.


"Zelo."


Nanginginig ang buong katawan ko habang nakatingin sa mukha niyang duguan. Niyakap ko ang katawan niya at humagulgol na naman dahil sa sakit. Ayoko na!


Nakita ko naman si Zeliane na marami ring dugo. Hinawakan ko ang pulso niya at wala nang sign na humihinga pa siya.


"May mga ambulansya na akong naririnig. Buhatin mo si Zelo! Ako kay Renzo," sabi ni kuya Andrew kay Jann habang nagmamadaling tumakbo papunta kina Renzo. Dali-dali namang binuhat ni Jann si Zelo kaya mabilis ko siyang tinulungan sa pagdadala kay Zelo.


Hinawakan ko ang palibot ng mukha ni Zelo.


"Please, Zelo. Lumaban ka."


Binuksan ko agad ang gate gamit ang susi na ibinigay sa akin ni Zelo kanina. Tama nga si Kuya Andrew na may mga ambulansya na nasa labas at mga pulis. Nakahinga ako nang maluwag nang maramdaman ko ang simoy ng hangin.


Sabay-sabay na namang tumulo ang mga luha ko nang mai-apak ko ang mga paa ko sa labas ng gate ng Diavolo Academy. Tumingin ako sa likuran ko habang tinititigan ang malaking mga letrang nakalagay sa itaas ng gate.


Diavolo Academy


Kakaunti lamang kaming nakaligtas. Samantalang madami pa kami noong umapak kami ni Devin sa eskuwelahang ito. Kahit kailan ay hindi ko makalilimutan ang nangyari sa loob nito.


Hindi ko malilimutan ang mga naging kaibigan kong nasawi na si Zhairyl at Shane pati na rin si Zeliane na kahit sandali ko lang nakasama ay gumaan agad ang loob ko.


Tanging hiling ko na lang ay ang mailigtas si Renzo at Zelo. Alam kong malala ang nangyari sa kanila pero alam ko ring may pag-asa pa.


"Thea! Sumakay ka na. Bilisan mo!"


-----

Read. Vote. Comment.

Diavolo Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon