Chapter 4 - The Accident

49 6 0
                                    

Kunwari ay nanahimik ako. Pero ang totoo nag iisip ako kung pano ko makakababa sa kotse niya.

Sinubukan kong buksan ang lock ng kotse niya kaso nabigo ako dahil automatic pala iyong lock niya. Siya lang ang pwedeng magbukas. Kaya may kapilyahan akong naisip. Bigla kong pumunta sa harap ng manibela at kumandong sa kaniya at humarap. Kunwari ay niyakap ko siya para hindi niya mahalatang binubuksan ko na iyong kotse niya.

Pero hindi ko akalain na dahil sa kapilyahan kong iyon ay magbabago ang lahat sa buhay ko...

"Ayanah! Ano ba umalis ka nga dito! Baka ma aksidente tayo sa mga pinag gagawa mo." Sigaw ni kuya Jiro sa nakakunot na noo.

"Gottcha! Kuya ihinto mo! Bababa ako!"Ang sabi ko ng mabuksan ko yong lock.

Pero pinipilit akong itulak ni kuya jiro pabalik sa upuan ko kaya. Kaya nakipag agawan ako sa kaniya sa manibela. Nang may biglang sumulpot na Bmw sa harap namin. Pero bago pa man bumungo ay tinulak ako ni kuya jiro palabas ng kotse.

Bogggssss!

1 day had passed

Nagising na lang akong naka higa sa isang kama. Pagmulat ko ng mga mata si jetjet at jenah ang nakita ko.

"Jetjet, nasaan si Kuya jiro?" Sabi ko

Tapos biglang nagkatinginan sila jenah at jetjet na parang may itinatago sa akin.

"Ayanah naman pagkagising mo si Jiro agad ang hahanapin mo samantalang 1 day kaming nagbantay ni jenah sayo."

"Jetjet nagaalala ako kay kuya jiro ko, iniligtas niya ko!  Siya ang nabangga dahil sa akin. nasaan siya? Kailangan ko siyang makita" please... " sabi ko na halos mag hysterical na sa sobrang pag aalala

"Huwag kang mag alala ligtas na siya, kaya lang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising."

"Dahil niyo ko ngayon sa kaniya!" Sabi ko na bumangon sa higaan para makalabas na ng room

"Teka sandali Ayanah,may kailangan kang malaman tungkol sa daddy mo."

"Saka na jetjet kailangan ko munang makita si jiro." Sabi ko ng akma ng lalabas ng room ko.

"Ayanah, patay na ang daddy mo!"

Tama ba ang narinig ko?

"Jetjet ano bang pinagsasabi mo. Papansin ka na naman noh? Para makuha ang atensyon ko?" Natawa pa ko ng pilit ng sabihin iyon.

He changed meOù les histoires vivent. Découvrez maintenant