Hanggang Dulo

497 4 0
                                    

By: anjj_lala

Naaalala mo pa ba yung dating tayo?

Yung ikaw lang at ako?

Yung mga panahong masaya pa tayo?

Yung pinangarap natin na sana tayo hanggang dulo

At hindi hanggang dito

Tanga ba talaga ako?

Dahil hanggang ngayon umaasa pa rin ako

Kahit alam ko na wala ng pantutunguhan 'to

Dahil masaya ka na sa bago mo

"Ayoko na tapos na"

Katagang iniisip ko na ayaw mo na

Ayaw mo na ba talaga?

Wala na bang pag-asa?

Pag-asa na mababalik pa?

Na ako'y mamahalin mo pa

Di ko alam ang pinapakita mo na

sinasabi ng isip ko na may pag-asa pa

May pag-asa pang mabalik yung masaya

Yung masasayang ala-ala

Ako nalang ulit o

Ako nalang ulit yung mahalin mo

Kasi kahit anong mangyari

Andito lang ako para sayo

Hanggang dulo

______

Partner kami noon. Halos lahat ng sayaw. Magkahawak ang kamay. Sasayaw. Magtititigan (sabi daw eh). Ilang weeks ang practice and Im always looking forward kung anong gagawin naming bago.

Unspoken Poetry[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon