"Sumama ka na! Enjoyin mo naman ang araw mo." Ate told me. Bigla ko tuloy na alala 'yung pag uusap nila ni Mama.

"I already did Ate, nag celebrate na tayo."

"Celebration na 'yun sa'yo? Eh kumain lang tayo."

"Celebration na 'yun!"

"Sumama ka na kasi K!" Pagpupumilit ni Mika. Hindi ko lang 'yun pinansin at tinalikuran nalang sila at nag lakad ako papuntang kama. Habang sila naman pumasok ng kwarto ko.

"Hindi ako aalis hangga't hindi ka kasama." Mika said.

"Sige. Dito ka matulog."

"K. naman! Kawawa naman si Scott kung hindi ka pupunta."

"Party 'yun, hindi magiging kawawa ang playboy sa mga party."

"So papayagan mo siyang mag enjoy ng wala ka?"

"Hayaan mo siya!"

"K. Sumama ka na!" Pangungulit niya.

"Sinabihan ka ba ni Scott na kulitin ako?" Tanong ko.

"Hindi nu! Alam niyang magagalit ka kapag ginawa niya 'yun. It was Enzo who actually na sinabihan akong pilitin ka. Gusto daw kasi talaga ni Scott na pumunta ka."

"Sumama ka na kasi K. Magpakalasing ka at gawin mo lahat enjoyin mo ang araw mo ng bongga. Pero dapat may limits pa din!" Sabi ni Ate.

"Oo nga! Tsaka hindi ako pupunta dun nang hindi ka kasama!" Mika said.

I sighed. Kapag hindi ako pumayag dalawa lang kalalabasan nito. Se-seryosohin niyang hindi siya aalis dito sa bahay at matatampo siya kasi paniguradong gusto niyang pumunta dun dahil nandun si Enzo.

"Fine!" Napilitan kong sabi. Para na din makapante sila Ate na marunong din naman akong mag enjoy.

Napatalon si Mika sa sobrang saya niya. "Mag dala ka ng swim suit, okay? Pool party 'yun."

"NO! Hindi nalang ako pupunta kung pasusuotin mo 'ko nun!"

She laughed. "Okay, okay, 'wag na lang mag dala ka nalang ng pang bihis baka lang kasi mabasa ka. Sige na, mag bihis ka na."

Haay!

"Sige na, lumabas na kayo. Mag bibihis na 'ko." Pagtataboy ko sa kanila.

Sinimulan na nila ang mag lakad palabas ng kwarto ko kaya ako naman ay mag aasikaso sa pag bibihis ko.

Nag shower na muna ulit ako, after kong gawin 'yun nag bihis din naman agad ako. At tulad ng sabi ni Mika magbabaon ako ng pang bihis ko mas okay na 'yung sigurado. Ayokong umuwi nang basa.

After kong mag asikaso at dalhin ang mga dapat kong dalhin, lumabas din naman agad ako sa kwarto ko.

Bumaba na 'ko sa hagdan at nakita ko si Mika na nag hihintay sa'kin sa sala habang ka-chikahan lang si Ate.

"Tara na." Sabi ko kaya napatingin sila sa'kin.

Tumayo si Mika mula sa pagkakaupo niya.

"Ate pakisabi nalang kay Mama kung saan ako pupunta." Sabi ko kay Ate.

"Yah!"

Hinawakan ko na sa kamay niya si Mika tsaka siya hinila palabas ng bahay.

"Kotse ko na ang gamitin natin." Sabi niya kaya dun kami dumiretso.

Sabay kaming sumakay sa kotse niya. Siya sa driver's seat ako sa passenger seat.

"Maging maganda sana ang gabing 'to." Kumento ko.

I Kissed The Playboy..Where stories live. Discover now