Your Song

22 1 0
                                    

Nung una ko syang nakita, di ko naman talaga sya nagustuhan agad. Hmm. Mama's boy. Nageenroll ng college tapos may kasama pang nanay?Natawa pa ko sa kanya. Nagulat nalang ako nung pasukan kaklase ko sya. Nakilala ko sya ng husto. At dahil dun, NAGKAGUSTO ako sa kanya.

Matalino, Mabait, Malinis at Responsable. Ibang-iba sya sa iba kong mga kaklaseng lalake. Bahay-Skwelahan lang ang buhay nya. Konting kwento sa mga barkada nya pag may vacant. Konting kanta at gitara pag may absent na prof. Konting asar.Konting tawa.

Madalas nahuhuli ko ang sarili kong nakatingin sa kanya.Lalo pag ngumi-ngiti sya. Para akong mahuhulog sa kinauupuan ko. Hindi naman talaga kami close. Nag-uusap lang kami pag may project o homework na hindi masyadong naintindihan.

Nga pala, di ko pa napakilala yung sarili ko. Ako nga pala si Aine. Isang normal na estudyante. Nangongopya pag di alam ang homework o exam. Nagpapakopya pag may alam. Nanghihingi ng pulbo sa kaklase. Nanghihingi ng papel Nanghihiram ng ballpen. Kumakain ng unlimited lugaw. Kumakai ng kwek-kwek, fishball, kalamares at isaw. Isang tipikal na estudyante.

HIndi ko hinangad na magustuhan nya ko. Masaya naman yung ganito,Tingin-tingin. Ngiti-ngiti. kilig-kilig.crush-crush.

Your SongWhere stories live. Discover now