"Pansin ko te kanina ka pa dito, may hinihintay ka ba?" bigla akong napalingon sa babaeng tumabi sa inuupuan ko dito sa park. May pagkafc nakakagulat biglang nasulpot pero para naman di magmukhang bastos ay tinanguan ko nalang sya.
Nung akala kong di na sya magtatanong ay nagkamali pala ako dahil sinundan nya ulit ng isa pa
"Pano kapag hindi dumating yung hinihintay mo?"
"Dadating siya, nangako siya sakin"
"Promises are meant to be broken so why promise huh?" di ko nalang sya pinansin at tumingin nalang sa mga taong dumadaan
Lumipas pa ang ilang oras pero ni anino nya wala pa, "Asan kana ba?" sabi ko ng mahina
"Sabi naman sayo hindi na darating yun eh" sabi ni Marya na kanina ko lang nalaman ang pangalan dahil sa oras ng paghihintay ko sya naman ang daldal nya.
"Dadating yun baka kasi di pa tapos yung ginagawa niya kaya wala pa siya"
"Grabeng ginagawa yan ha, overtime kung overtime"
"Bakit mo aasahan kong wala na nga~~" tahimik nalang akong naghihintay habang hindi sya tumitigil at kung ano anong kanta na din ang nakanta nya
"Ang sungit mo naman te" sabi niyang bigla, napansin na ata nyang hindi ako nagreresponse sa lahat ng sinabi nya
haaaay...
"Kausapin mo naman ako, ikaw na nga lang kinakausap ko dito eh"
"Edi makipag-usap ka sa iba"
"Hindi pwede e"
"Bakit naman hindi?" bigla naman akong nacurious sa sinabi nya kaya naman tinuon ko muna ang atensyon ko sa kanya tutal wala pa naman siya
"Ayaw nila sakin e, lalapit palang ako lalayo na sila hahaha. " malamyang sabi nya pero may halong tawa "Wala naman akong sakit na nakakahawa" bulong nya pero sapat na para marinig ko
Mejo naawa naman ako sa kanya "O siya sige sige, tayo nalang mag-usap" sabi ko na ikinatuwa naman nya kaya napangiti na din ako, may kung ano kay Marya na mahahawa ka nalang sa ngiti nya
"Teka nga.. Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?" mukha kasi syang studyante sa suot nyang uniform na mala korean style pa ang dating. Inilingan nya lang ako sa tanong ko. Ayt ano ba naman to
"Baka nag- aalala na mga yun at wala ka pa, umuwi kana kaya"
" 'di yun! Sanay na sila hahaha"
"Ay baliw kana!" saka nalang ako napapa-iling pero nauwi din kami sa mahabang kwentuhan na di ko na din namamalayan ang oras
" Ate Sheila nalang tatawag ko ha? hihihi"
"Pantay lang tayo ng edad wag kang ano dyan hahaha"
"Mas bata ko! bleeeh!"
"Ang kulit mo!" natatawa kong saad
"Medyo hahaha, sino pala hinihintay mo ate Sheila?"
" Boyfriend ko" nakayuko kung saad
" Nako! Na- indian kana! Sa tagal mo ba namang naghihintay oh!"
" May inaasikaso pa kasi sya"
"Tagal ng inaasikaso ah" may bahid ng sarkasmo ang turan nya
" Importante kasi yun pero alam kong darating sya. Nangako sya sakin. "
" Sus! Lamporeber ate Sheila! I swear! Taga mo pa sa bato at tubig!"
pero imbis na mainis ako sa sinabi nya ay natawa akong bigla
" Ang bitter mo ah hahaha"
"Hindi ah! Ni wala nga kong bf tapos ako? Ako! bitter?? hahaha"
" Wala ka pang bf sa lagay na yan pero bitter kana, hindi maganda yan " tatawa tawa kong sabi
