The Casanova's Bodyguard

Start from the beginning
                                    

Kinuha ko yung books ko at dumeretcho sa classroom ko. Lagi namang ganito. Sana may exciting na mangyari sa buhay ko. Pumasok na sa classroom ang members ng Elite. Ano ang Elite? Isa itong grupo ng pinaka-makakapangyarihan sa school na ito. Merong tatlong myembro ang grupong ito.

First. Si Dominic Xavier aka High King, ang kanilang leader. Anak siya ng may-ari ng isang malaking oil company. Masyadong confidential kung sasabihin ko sa inyo kung anung company. Isa siyang casanova na kinababaliwan ng mga babae, maliban sakin.

Second. Si Ryu Yamamura aka High Prince, ang second leader ng grupo. Anak siya ng may-ari ng malaking company sa Japan. Pinadala siya sa Pilipinas ng tatay niya para makapag-aral ng maayos. Siya ay mabait, tahimik, matalino, athletic. Crush ko siya, I swear :"> He's so Gwapo noh!

And Lastly. Si James Juntilla aka Knight, ang strongest member ng grupong ito. Siya ang leader ng isang mafia. Napaka-bait nito, wag niyo nga lang gagalitin kung ayaw niyong maibitin ng patiwarik. Gwapo rin naman kaso di ko Type. Lagi pating may moodswings. Si Kym McAdams ang kanyang Fiance. Matagal-tagal na rin silang engaged pero tinatapos muna nila ang studies nila bago magpakasal.

Sa Lahat ng Elite, ang nakausap ko palang ay si Ryu. Seatmate ko kasi siya tapos ang kulit kulit niyang katabi, kaya nga ako nainlove sa kanya eh. Umupo na siya sa tabi ko. "Seatmate!" bati niya sakin.

"Hi Seatmate" sabi ko. "Ginawa mo na yung homework mo sa math?" Kokopya kasi ako, ba't ba? Pag ba Secret Agent ka ibig sabihin responsible ka? Hahaha! 

"Oo naman! Ako pa" sabi niya. Proud na Proud ang loko. XD

"Yehey! Pakopya ako dali" sabi ko. 

(,^.^) <---- Ako | Siya ----> (o.o,)

"Pweeaasseee?" alam niyo yung tinatawag ng pinoy na beautiful eyes? HAHAHA :)) Yun yung ginawa ko eh. Bumigay na rin siya at binigay sakin yung homework niya. Binilisan ko pagkopya kasi 3 minutes nalang at papasok na ang demonyo naming professor. "TAPOS!" napasigaw tuloy ako. Kasi naman ee. 

"Ms. Valderama, is there something you would like to share with us?" Ay Pak, andyan na pala yung bruha naming professor. 

"N-None Ma'am" sabi ko. Syempre pa-humble muna ako noh. Wag lang niyang papainitin ang ulo ko kung ayaw niyang masigawan ko siya. 

"Keep your mouth shut, okay?" ang kapal talaga ng bruha nitong mokong na to. Sarap sabunutan eh. 

"Kdot" sabi ko ng pabulong pero narinig ni Ryu kaya binatukan niya ako. "Arayyy, masakit yun ah" sabi ko sa kanya.

"Ikaw talaga, ang sama mo kay ma'am" sabi niya.

"Ganun talaga" sabi ko sabay smile.

"Ryu lika dito" napalingon ako at nakita ko si Dominic. Panira talaga sa moment!

"Sige Seatmate, wait lang muna ha" sabi niya sakin tapos pumunta siya kila Dominic. Ang haba naman ng name nun, Dom na nga lang para di nakakapagod i-type. Ajujuju ^.^

Fast Forward

Uwian na, YAY! Dali-dali akong pumunta sa likod ng school. Sinigurado ko munang walang sumusunod sakin. Di kasi pwedeng malaman ng mga estudyante na may organization na ganito ang school. Inenter ko yung password at pumasok. 

Pagpasok sa loob, meron pang mga scanner. Dinikit ko yung mata ko tapos scinan tapos yung thumb ko nilagay ko dun sa parang pad thingy tapos sinwipe ko yung ID card ko. Pumasok na ako sa loob.

Nag turn left ako tapos right tapos left tapos Bam! Nasa office na ako ni Boss. Pumasok ako.

"Boss, pinapatawag niyo daw po ako?" sabi ko tapos umupo ako sa sofa sa harap ng table niya. Gusto niyong malaman kung sino boss ko? Secret eh, di pwedeng sabihin kahit kanino. Kahit nga ako hindi ko alam kung sino siya! 

"Narinig mo naman ang latest issue tungkol kay Dominic Xavier diba?" 

"Ay sir, hindi pa po eh" sabi ko sabay kamot sa ulo.

Nag sigh siya. May nag-appear na dalawang picture ng babae sa screen. "Ito si Choi Hyun Kyo at ito naman si Jackie Reyes" Ah oo, kilala ko tong dalawang to pero anung meron sa kanila. "Sila ang napagtripan ni Dominic Xavier ngayon linggo" 

"Eh ano naman po meron dun sir?" Meaning ng Pag-tripan ay naging GF sila for a day tapos binreak yung heart nila. Parang ganun. Basta sinaktan ni Dom ang puso nitong dalawang to.

"Si Ms. Choi at Ms. Reyes ay anak ng isa sa pinaka-makapangyarihan na mafia sa BUONG MUNDO" talaga inexaggerate yung BUONG MUNDO? "At nagp-plot sila ng revenge para kay Mr.Xavier" sabi niya.

"So nasa panganib ang buhay ni Xavier?" tanong ko. 

"Exactly."

"So ano po ang role ko dito sa mission na to? Bombahin ang mga bruha? i-expel?" 

"Ikaw ang magiging personal bodyguard ni Dominic Xavier"

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

HELLO PO! :)) New Story nanaman XD Eto po ang aking new story. Dapat ko po bang i-continue o hindi na ? :< :D

The Casanova's BodyguardWhere stories live. Discover now