Sa isang silid sagutan
Mga tao'y nagbubulungan
Ibang tao'y nakakatunganga
Naghihintay ng kakalinga
Lumilipas ang oras
Mga boses ay lumalakas
Animo'y mga bubuyog
Nakaririnding mga tunog
Mga kamay ay walang pakiramdam
Ang tiyan ay kumakalam
Galaw dito, galaw diyan
Na ang ginhawa ay maramdaman
Tayo na at huminga nang malalim
Tapos na mga tanong na nakaririmarim
At sa oras na ito
Andito na ang paborito
"Labasan na"
"Uwian na"
~01/16/15
