The Sudden Feeling that Made It Worse

112 3 5
                                    

"I don’t hate the fact that I am NOTHING to HER… But I hate the fact that she is EVERYTHING to ME!"


Let’s call this girl, “The One”. Tinawag kami ng school namin para sa isang Seminar ng mga Scholars, mga 9 ata kaming scholars nun sa class namin. Maulan ang tinakdang araw na yun para sa aming seminar, Monday. Naghintayan kami ng mga kaklase ko, actually, hindi naman sa pagmamayabang, pero ako lang ang lalaking Scholar sa class namin, ahem… ahem…

Back to the story, wala akong ine-expect nun, basta ang ine-expect ko lang sa seminar eh, yung libreng merienda. Maulan, makulimlim at sobrang lamig nung araw na iyon, gumising ako ng sobrang aga, dahil excited sa mga mangyayari. Hindi pa rin ako nakakakain nun kaya punta muna ako sa Tayuman! Ang Mahiwagang Kainan ng Tamaraws Habang Nakatayo! Tentenenen! Ang sarap ng pagkain dun, lalo na yung Pork Teriyaki! hmmmm!. Heaven!!! Para akong adik nung una kong natikman yun, hindi ko ma-describe yung feeling tapos….. Tapos na!

Then let’s go back to the main story… And then suddenly, nakita ko itong girl na ito, na nagngangalang “The One”, itago mo muna natin ang name niya sapagkat isa siyang kriminal na ninakaw ang puso ko ng mga sandaling yun. Alam mo ba yung feeling na parang na-fast foreward lahat ng iniisip mo at napunta ka sa panahon na kung saan ay kayong dalawa na, at happy kayong magkasama?! Alam mo ba yung pakiramdam na parang natagpuan mo na yung matagal mo nang hinahanap na karayom sa isang sakong dahon ng mga palay?! Alam mo rin ba ang feeling ng may LBM? Yun ang feelings ko nung araw na yun! Just kidding, patawa lang yung huli, pero totoo yung dalawang nauna.

“Nakupo siya sa isang madilim na sulok. Ewan ko ba kung bakit sa libo-libong babaeng nandoon. Wala pang isang minuto, nahulog na ang loob ko sa iyo. woo-ooh!!!”

Kanta nga pala iyon ng 6 Cycle Mind, Prinsesa!,. Hindi ko exactly ma-describe ang mga pangyayaring yun, wala yata sa diksyunaryo ang mga salitang dapat sabihin ko dito, pero yung kantang yun ang pinaka-kaya kong masabi sa ngyarin nun. Nahihiya pa kong tumingin nun, ewan ko ba, basta nagustuhan ko na lang siya. At natapos ang Seminar eh, hindi ko man lang nakuha ang number at name niya, at mukha lang niya ang ala-alang naaalala ko.

Change of HypothalamusOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz