Maid in Disguise - Chapter Eight

6.9K 136 7
                                    

♫Happy birthday to you… Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday… Happy birthday to you!♫ ”

            Nakaharap kay August ang gawa ni Snow na strawberry chesse cake na may isang maliit na blue candle sa gitna. He’s now thirty years old. At naisip ni Snow na bigyan si August ng maliit na handaan para sa birthday nito.

            “Make a wish and blow the candle.”

            He paused for a moment at hinipan na nito ang kandila.

            “Yehey!” pumalakpak siya. “Siyempre, may gift ako para sa 'yo. Pasensya na pero hindi ito mahal.” Iniabot niya rito ang isang maliit na box. “Happy birthday, August.”

            “Thank you.” Binuksan nito ang regalo. There was amusement in his eyes when he saw the gift. Isang manyika iyon na kamukha mismo ni August. Ginawa niya iyon noong mga panahong may libreng oras siya pero sa unit ni Aniza.

            “It’s cute!” he smiled at her. “Thanks.”

            “You’re welcome. Tara, kain na tayo.”

            Naghanda siya ng spaghetti, vegetable salad, steak, roasted chicken with sweet and sour sauce, cake, at bumili siya ng paborito nitong vanilla ice cream. Siyempre, hindi mawawala ang light lang na red wine.

            “Cheers!” sabi nito sabay taas ng kopitang may lamang wine.

            “Cheers!”

            Maganang kumain silang dalawa. Alam niyang nagustuhan nito ang mga pagkaing inihanda niya para rito.

            “Haay, August. Matanda ka na pala.”

            “Sinong matanda?” angal nito.

            “Wala akong kausap. Ikaw naman. Kumain ka nalang diyan.” Natatawang sabi niya.

            Sumubo ito ng spaghetti. “You know, you can be a chef. You have potentials. Ano bang course ang natapos mo?”

            “Business management. Sabi kasi ni Mama, ibibigay raw niya sa 'kin ang Clothline. Kaya naisip ko na management nalang ang kunin ko. Siguro namana ko lang kay Mama ang galing ko sa pagluluto.”

            “Hindi ka rin mayabang, 'no?”

            “Linya ko yata 'yan.”

            Natawa silang pareho.

            “Pero para sa akin,” dagdag pa nito habang ngumunguya. “Bonus points sa isang babae kung marunong kang magluto. Lalo na kapag masarap. Siguradong hindi ka hihiwalayan ng magiging asawa mo.”

            Ano ba 'to? Nagpaparinig na hindi siya ang magiging asawa ko o ano? Syet naman.

            “So, kailan pupunta rito ang girlfriend mo?”

            Natahimik ito. “Bakit mo naman naitanong?”

            “Wala naman. Kasi sabi mo pauwi na siya, 'di ba?”

            “Oo. Anytime baka pumunta siya rito.”

            “Magkwento ka naman tungkol sa kanya.”

            Tumingin ito ng deretso sa mga mata niya. “You don’t mind?”

            “Ako mismo ang nagsabi na gusto kong magkwento ka.”

Maid In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon