Maid in Disguise - Epilogue

9.9K 233 64
                                    

Naging masaya ang buong kasal nina August at Snow. Paglipas lang ng dalawang buwan matapos nilang magkita uli ay nagpakasal na sila.

               Inimbitahan nila ang kanilang mga kamag-anak. Isang pribadong kasalan iyon kaya pinagbawalan ang mga medya na magko-cover sana ng kasal.           

               “Alam mo ba na hindi iyong ginigising mo ako noon at hinalikan kita ang first kiss natin?” bulong ni August habang nagsasayaw sila ni Snow.

               “Totoo? Kailan?”

               “Noong pinainom kita ng alak. Doon ko rin nalaman na mahal mo ako. Nang makita kitang umiiyak ay hinalikan kita dahil sa labis na pagmamahal at panibugho mo dahil nalaman mong may mahal na akong iba.”

               “Talaga?” namula siya. “Ang akala ko, iyon ang first kiss ko. Salbahe ka talaga.” Hinalikan niya ito sa pisngi. Habang isinasayaw siya nito ay nagawi ang paningin niya sa isang tagong bahagi ng garden ng kanilang bahay.

               “Si Aniza. Mukhang may pinag-aawayan sila ng lalaki niya.”

               “Siya ba? Siguro nalaman niya na hina-hack siya ng kaibigan mo.”

               “Hindi mo siya masisisi. Mahal kasi niya ang lalaking iyon. Iyon lang ang naiisip niyan paraan para mapalapit siya sa taong mahal niya. Lapitan kaya natin sila? Mukhang nagsisigawan na sila, eh.”

               “Hayaan mo sila, hon. Hindi natin dapat pakialaman ang affairs nila. Hayaan natin silang rumesolba niyan.”

“WALA naman akong ginagawang masama!”

               “Wala? Hah! E sino kaya ang hack ng hack diyan sa database namin? Anong gusto mong palabasin? Pababagsakin mo ang kompanya namin? Hindi mangyayari 'yon!”

               H-hindi mo kasi naiintindihan...

               Kung ano ang istorya nila, abangan n’yo nalang!

WAKAS

Maid In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon