Step - 3.

14.1K 265 32
                                    

Lumakad kami palabas ng university para pumunta sa bus stop. Nag-aya kasing manuod ng movie ang mga college friends ko dahil free cut namin at wala namang masyadong gagawin para sa acads.

"Sa ordinary bus na lang tayo sumakay," pahayag ni Ann habang naglalakad kami sa footbridge papunta sa kabilang bus stop.

Medyo puyat pa ako dahil sa pag-attend namin ng barkada sa debut ni Fritz kagabi pero magtatampo sa akin ang mga college friends ko kung hindi ako sasama. Isa pa, wala namang bonding ang barkada ngayon para sa birthday ni Kiel dahil aalis daw sila ni Leanne kaya free ako.

"Hay nako, Ann! Ang init-init kaya, mausok pa 'pag sa ordinary. Takpan mo na lang ang ilong mo sa byahe para hindi mo maamoy," maarteng sabi ni Cip.

Sa unang tingin, hindi mo iisipin na bakla siya dahil lalaking-lalaki ang tindig niya. Pero sa oras na magsalita na si Cip at mag-inarte, babaeng-babae na.

"Pagbigyan mo na," sabi naman ni JP sabay akbay kay Ann. Nag-high five pa silang dalawa at umirap lang si Cip sa kanila. Tumawa naman kami dahil alam naming nag-i-inarte lang ang kaibigan namin.

Pagkalipas ng ilang minuto, may dumaan nang dalawang bus. Isang ordinary at isang air-conditioned. Dahil hindi kami nagkasundu-sundo, nahati ang grupo. Kami nina Ann, Lyn, Quincy, Mikee, Trixie, James at JP, sa ordinary sumakay. Sina Cip, Yza, Wendy at Dian, sa air-conditioned.

"Hoy mga haliparot! Teka lang! Mag-ordinary na lang din kami!" sigaw ni Cip habang bumababa sila sa bus na sinakyan nila. Tawa ako nang tawa habang nag-pa-panic silang humabol.

"Arteng-arte ka na naman kasi, baks! Sasakay rin pala," sabi naman ni Lyn habang naghahanap sila ng vacant seats.

Sa halos two years na pagiging blockmates namin, nasanay na kami sa ingay, kalokohan at kaartehan ng isa't isa. Mas naging close rin ang klase namin kaya lumaki ang grupo namin.

Maingay ang mga kaibigan ko sa bus nang makahanap na kaming lahat ng seats. Sumilip naman ako sa bintana at natigilan ako nang makita ko ang air-conditioned bus na sasakyan sana nina Cip.

Tanda ko 'yon dahil balot ng pulang sticker ang buong bus na may design ng isang pasta brand. Nagtinginan sa akin ang mga college friends ko at ang mga pasahero nang magsimula akong tumili.

"AHHHH! 'YUNG ARTISTA NA CRUSH KO!"

Kilig na kilig ako habang itinuturo ko ang sticker sa likod ng bus. Bumilis ang takbo ng bus na sinasakyan namin kaya nakatapat ko sa bintana ang pasehero ng kabilang bus.

"AY SHIT! OH MY GOD, GUYS! MAS CUTE 'YONG NASA LOOB NG BUS!"

"Oo nga, Aly!" sang-ayon ni Lyn sa tabi ko na nakahaba na ang leeg dahil dinudungaw rin niya ang lalaki sa tapat ko.

"Kung d'yan pala tayo sumakay, edi sana nasa iisang bus lang tayo kasama siya," duktong niya pa.

"Sabi ko sa inyo, eh!" sabi naman sa amin ni Cip.

Lumingon siya sa bintana at bigla siyang umirit sa likod ko sabay yugyog sa balikat ko nang mapagmasdan niyang mabuti ang lalaking na tinitignan namin.

"Ang gwapo nga! Chinito!"

"Schoolmate natin, guys! Tignan niyo ang logo sa uniform niya, logo ng SU. And 'yong lanyard niya. Gano'n ang lanyard ng Med Tech students sa school natin, 'di ba?" I pointed out.

Lalo kaming nagtilian dahil sa sinabi ko. Ibig sabihin, may posibilidad na makasalubong ulit namin siya sa university.

"Para kayong mga sira," nakatawang sabi ni James.

Napailing pa sila ni JP habang pinapanuod kami. Hindi naman nila kami masaway kaya hinayaan na lang nila kami.

"Hi, kuya!" sigaw ni Dian kahit hindi naman siya maririnig sa kabila dahil sarado ang bintana. Kumaway pa siya nang tumingin sa amin ang chinitong lalaki na nag-iwas din agad ng tingin.

The Art of Letting GoWhere stories live. Discover now