Chapter 15

533 16 1
                                    


Xairylle's POV

=== 1 MONTH AFTER ===

Isang buwan na simula nang tapusin ni Zerphayl yung pagkakaibigan namin. Hindi na kami nagpapansinan ni Zerp, panay ang parinig ni Chloe. Naging matatag yung friendship namin ni Hannah and may bago na rin akong kaibigan. Si Vince, yung nakilala ko sa fast food chain. Nagulat nga kaming dalawa nung nagkita kami, small world talaga. Atsaka kaibigan ko din yung girlfriend niya, actually silang tatlo nalang ang tinuturing kong kaibigan.


"Xairylleee!!" kumaway ako kay Vince na papalapit.


Bukas na yung sem-break namin it means bukas na rin ang lias namin ni mommy papuntang Europe. Silang tatlo lang din nakakaalam ng pag-alis ko.


"Buti nalang nakita kita"


"Nasaan ba yung girlfriend mo?" tanong ko 


"Tss ewan ko dun, sungit sungit" natawa nalang ako sa sinabi niya.


Para kasing aso't pusa silang dalawa, ang cute nga nila eh. Nung una pinagselosan pa ako ng girlfriend niya, buti nalang inexplain ni Vince.


"TSk tsk ayan nanaman siya, maninira ng relasyon" tinignan ko si Chloe na dumaan.


"Kung maninira siya, edi sana matagal na kaming wala ni Vince"


"Doon ka nga, paepal ka. Di ka naman close"


Biglang sulpot ng dalawa, diyan sila nagkakasundo. Sa pagiging warfreak nila, silang dalawa ni Hannah laging nagtatanggol sa akin kapag nagpaparinig si Chloe. Padabog na umalis si Chloe, lumapit naman sila sa akin.


"Wag mo nalang pansinin yun, inggit lang siya kasi wala siyang friends" natawa ako sa sinabi ni Hazel, girlfriend ni Vince.


Pareho silang first letter ni Hannah, pareho din silang warfreak. Siguro lahat ng name na first letter ay H mga warfreak hahaha joke.


"Okay maiba tayo, ano oras alis niyo bukas" tanong ni Hazel.


"6am flight namin"


"Basta Xai ha, size 10" natawa ako kay Vince, ang hilig talaga niya sa mga sapatos.


"Anong size 10?? Eh halos mapuno na nga yung lalagyan mo ng sapatos sa dami ng sapatos mo eh"


"Mahal, galing lang yun sa divisoria 'no"


"ANONG DIVISORIA?" sabay-sabay naming sabi.


Mga branded kaya sapatos niya, tuwing magm-mall kaming apat bumibili siya ng sapatos. Mayaman eh.


"Mamaya na nga kayo mag-away" saway ni Hannah.


Will You Love Me Now? Where stories live. Discover now