Chapter 10

555 13 0
                                    

Xairylle

Nakarating na kaming EK!! Yaay!. Bumili na si Zerp ng ticket. Since siya ang nagyaya, siya ang manlilibre.

"Zerp sa Flying Fiesta tayo" sabi ko at hinila siya.

"No, we'll go to rio grande first"

"No. Flying Fiesta!"

"Xai, Rio Grande muna kasi mababasa tayo tapos sa ubang rides nalang tayo magpatuyo" explain niya.

"Fine! Rio Grande first" sabi ko.

Hinila naman niya ako sa pila. Buti nalang hindi sobrang haba ng pila, kung mahaba jusko aabutin kami ng isang oras.

Nung turn na namin, kasabay namin ang magba-barkada. Inalalayan ako ni Zerp para makababa dun sa parang boat pero bilog.

"Are you ready" tumango ako kay Zerp.

Puro sigawan at tawanan lang kami. Mas nakakatawa si Zerp kasi siya ang natapat sa falls kasi basang-basa niya. Ako naman y-shirt ko basang-basa pero sa short medyo lang.

"Hahahaha! Ano? Masaya bang mabasa?" Inaasar ko si Zerp na parang basang sisiw

Ayan kasi, gusto pa sa rio grande basang-basa tuloy siya.

"Dapat pala sa flying fiesta muna tayo"

Lalo akong natawa lalo na sa mukha niyang inis na inis. Bumili kami ng T-shirt, kasi nga basa kaming dalawa. Para tuloy kaming naka-couple shirt. Pero hindi kami couple.

Sunod naming sinakyan ang Flying Fiesta, grabe nahilo ako. Paikot-ikot kasi pero at the same time natutuwa ako. Si Zerp ang epic ng mukha, hilong-hilo daw siya tapos pinapatigil na niya yung pag-ikot. Hahaha! Meron pa ngang sapatos na tumalsik eh kaya tawa ako ng tawa.

"Okay ka lang?" Natatawa kong tanong.

"Grabe nakakahilo! Bakit tinawag pang flying fiesta yan. Paikot-ikot lang pala. Dapat tawag diyan Dizzy Fiesta kasi nakakahilo, bwiset!" Inis niyang sabi.

HAHAHAHAHAHHAHA at gumawa pa ngsariling pangalan ng rides.

"Sa roller coaster tayo"

Hinila ko na siya papuntang pila kahit nagre-reklamo siya.

"Ano ba yan Xai. Wag na tayo dun, boring dun eh"

"Weh? Takot ka lang eh"

"Huh? Sinong takot? Tara na nga sa roller coaster, bagal mong maglakad"

Tignan mo indenial pa tss.

Umupo kami sa pinakadulo ng roller coaster kasi wala lang.

Nung umandar na, humawak sa kamay ko si Zerphayl at mahinang nagmumura.

"AAAAAAAHHHHHH AYOKOOO NA! ITIGIL NIYO AAAAAAHHHHH"

Hulaan niyo sino sumigaw hahaha! Edi si Zerphayl, panay ang mura niya habang ako nage-enjoy.

Will You Love Me Now? Where stories live. Discover now